CHAPTER 9
IPINIKIT KO ang sariling mga mata pagtapos kong ibagsak ang katawan sa kama. Nag-celebrate lang naman kami pero bakit parang pagod na pagod ako? Wala naman sa plano ko ang isipin 'yung mga pinag-usapan namin ni Josette kanina pero hindi maalis sa utak ko ang sinabi nito.
"Kung mahal mo 'ko, bakit kailangan mong mang-iwan?" Tanong ko habang tinititigan ang litrato namin na matagal ko nang lockscreen sa phone. Ito ang litratong nakita ni Lexa noong araw kung kailan nangyari ang sa mall.
Hindi ko pa pala 'to napapalitan hanggang ngayon. Sinusubukan kong makalimot pero heto't kaming dalawa pa rin ang lockscreen ko.
Malalim akong huminga pagtapos kong tignan ang cellphone ko. Habang tinititigan ko ang litrato ay mas naaalala ko ang sinabi nito. Ayaw kong umasa. Ayaw kong maniwala. Ayaw kong maiwan ulit. Ayaw ko lalo na't pakiramdam ko ay maiiwan lang ako sa huli.
"Welcome to CK Entertainment, welcome to your new family. Welcome to our family!" Ms. Fajardo, the founder of CK Entertainment, welcomed me warmly. Bumaba pa itong office para personal akong i-welcome kaya pakiramdam ko ay nasa tamang landas ako. Everyone greeted me as if I wasn't a rookie. As if I wasn't new. They welcomed and treated me nicely.
Tinanggap ko ang offer nila dahil sino ba naman ako para hindi pumayag? CK Entertainment is a big and well known company. Kung tutuusin ay kabilang ang CK sa TOP 3 entertainment sa pinas kaya nakakabiglang kinuha nila ako.
"Good morning, everyone. Sorry, I'm late." A lady wearing a black pencil skirt with white chiffon polo shirt entered the room. Her presence says pride, firmness, responsible and professionalism. Wala ring ekspresyon masyado ang kaniyang mukha nang pumasok ito at parang hindi ito takot sa presensya ni Ms. Fajardo kahit siya na ang na-late.
BINABASA MO ANG
GIRL HOUSE SERIES: Dimple Castro
General FictionGIRL HOUSE SERIES #1: Dimple Castro ---- Dimple Castro is a person scared to trust people. As her family died in a house fire, her life started to experience pain and sorrow. But with him who always there beside her, she finds hope to face the cruel...