CHAPTER 10
HINDI AKO makapag-focus sa itinuturo sa harap. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay namumula pa rin ako. Paano ba naman kasi, pagtapos sabihin ni Levor 'yon ay kinurot nito ang pisnge ko na pakiramdam ko ay dahilan nang pagpula ng mukha ko. Naalala ko tuloy kung paano ko s'ya itulak para tumakbo dahil sa kaba. Feeling ko ay mukha akong tanga nang takbuhan ko siya.
"Peste," inis na bulong ko at ipinukpok sa ulo ng ilang beses ang notebook ko sa noo.
"Ms. Castro!"
"Yes, ma'am?" Agad akong huminto matapos kong marinig ang pagtawag ng professor ko sa akin.
"Are you okay? Are you still with us?" She asked me, not sure what I'm up to.
"Y..Yes po." Kabadong sagot ko sa kaniya. Tumango ito at nagpatuloy sa pagtuturo. Palihim akong huminga ng malalim at muling sinubukang ituon ang atensyon ko rito.
Maagang natapos ang mga klase ko dahil tatatlo lang naman ang subject ko ngayong araw. I've received a text from Tita Izel. She told me to come quickly at the agency because something important came up. Pag-uwi ko ay agad akong nagbihis. Naabutan ko pa ngang kumakain si Quenette. Inalok ako nito pero tinanggihan ko lang at sinabing may biglaang lakad.
A man standing firmly outside the house with a gray van at the back is waiting. He's wearing a white polo shirt and I bet it's his uniform. Mukhang galing 'to sa CK dahil nakita ko ang maliit na logo ng ent. na nakaburda sa kanang parte ng kaniyang polo shirt. Ito siguro ang tinutukoy ni Tita Izel.
"Good afternoon po," I greeted him. Mukhang nasa mid 40's ang edad nito at mukhang may katagalan na sa trabaho dahil parang sanay na ito sa ginagawa niya. Binati ako nito pabalik at pinagbuksan ako ng pinto kahit na sinabi kong ako na. Umikot ito para makasakay sa driver's seat at hindi na naghintay ng ilang oras nang paandarin nito ang sasakyan.
"Finally, she's here." Sambit ng isang babaeng hindi ko kilala matapos akong pumasok sa room na sinabi ni Tita Izel. Iilang tao ang naroroon at dalawa lang sa mga 'yon ang kilala ko. I bowed and greeted them first bago naupo sa tabi ni Josette na tinuro ni Tita Izel. I'm confused when I saw five cameras filming us but I remain silent.
BINABASA MO ANG
GIRL HOUSE SERIES: Dimple Castro
General FictionGIRL HOUSE SERIES #1: Dimple Castro ---- Dimple Castro is a person scared to trust people. As her family died in a house fire, her life started to experience pain and sorrow. But with him who always there beside her, she finds hope to face the cruel...