Josh's POV
I decided at the time and place ng date namin ni tin, since she loves enchanted kingdom, so dun kami pupunta, nagpasama ako kay kuya yurs,
Kuya yurs: Aba may date ang binata naks naman haha.
"haha opo kuya yurs, excited na nga ako eh."
Kuya yurs: Si mam tin ba yan?
"haha opo kuya," sagot ko kay kuya yurs habang hawak hawak ko ang isang necklace na may infinity sign nakita ko kanina sa mall at naisip ko na bagay kay tin.
Andito na kami ngayon sa apartment ni tin, at hinihintay ko na siyang lumabas.
Ang tagal naman ng babaeng yun matawagan na nga lang.
Dialing Tin...
Tin: Hello? Pababa na ako anjan ka na ba sa labas?
"Oo dalian mo baka magmadaling araw pa tayo sa byahe."
Tin: oo na ito na nga eh haha.
I hang up the phone kasi mukhang palabas na nga siya. A few minutes lumabas na si tin, she is wearing a pink knee dress and a sandals na hindi naman mataas ang heels, she look so pretty.
Tin: Hoy hoy josh?!
"ha? Ano un?" nagulat ako nang tapikin niya ako.
Tin: di naman pala to nakikinig nakakainis naman eh.
"Sorry na tara na nga tagal tagal mo kasi eh."
A few hours nakarating din kami sa enchanted kingdom, and we decided to enter, i saw how her eyes sparks when nakita niya na ang loob ng ek.
Tin: Ang ganda talaga dito.
"oo nga maganda dito" kasing ganda mo.
Halos lahat ng rides sinakyan namin nakakatuwa na enjoy na enjoy kami.
8:30 pm
Since gabi na we decided to eat sa may food court.
"So nag enjoy ka ba?" habang kumakain si tin ng chicken fillet.
Tin: Oo naman tagal ko na gusto pumunta dito eh haha.
"ah tin may dumi ka sa mukha." ang kalat naman nito nakakainis haha
Tin: saan dito ba?
"aisshh ako na nga magtatanggal." lumapit ako kay tin ng kaunti at pinunasan yung gravy na nasa gilid ng labi niya. Paglayo ko mejo nailang ata si tin dahil bigla siya napainom ng tubig.
"Bakit naiinlove ka na ba sakin?" pang aasar ko sa kanya.
Tin: Ang angas mo assuming haha..
Hahaha kahit halata naman sakanya.
BINABASA MO ANG
A Twisted Love Story PART 1
FanficPaano kung ang iniidolo at minamahal mo ay isa pala sa taong bumubuo ng past mo? Would you still continue to love him no matter what hurdles come in your way? Or would you choose to move out of his life?