•I'm tired but I will try•

2 0 0
                                    

Title: I'm tired but I will try
Genre: Tradegy?
Warning: Typogramarical and Grammatical Errors Ahead.

E N J O Y  R E A D I N G . . .
......................................................
🌹

"Bakit ganito? Ano 'to? Ayusin mo nga," aniya sabay bato sa akin nung painting na gawa ko.

"It's look like a trash!" Pinulot ko nalang yun habang nakayuko.

"Sorry po." Tsaka ako tumalikod.

Nakailang ulit na ako sa painting na 'to pero ni isa ay wala syang nagustuhan, parang nagsayang lang ako ng oras at napagod para sa wala. Pero hindi ako pwedeng magreklamo dahil yun ang kagustuhan ng nanay ko.

Pinipilit ko namang gawin ang gusto nya eh, yun ay ang maging magaling sa kahit na anong klaseng 'art' pero kasalanan ko ba na hindi ko talaga hilig ang ganoon? hindi ako masaya sa ganoon pero pinilit ko dahil gusto kong maging 'proud' sila sa akin na kahit kailan ay hindi naman nangyayari.

Kung ano ano na ang napasukan kong art school, art clubs o kung ano man ang may kinalaman sa ganon pero wala pa rin, palagi pa rin syang disapointed sa kahit anong ganin ko.

-----

Ngayong araw ay awarding sa school namin, habang sila ay excited malaman kung sino ang mga magkakaroon ng award, ako naman ay kinakabahan.

"At para sa ating Top 2," ani ng aming Teacher.

Sobrang tindi na ng kaba ko dahil hindi pa ako natatawag sa may Top at pag hindi ako ang naging no.1 magagalit nanaman sila sa akin.

"Congratulation... Kira!" Tawag sa aking pangalan, hindi ko alam kung matutuwa ako dahil kahit papaano nakakuha ako ng award at alam kong ginawa ko ang best ko o malulungkot dahil alam kong ma d-disapoint nanaman sila sa akin.

Ngumit na lang ako ng oilit at kinuha ang medalya at certificate sa harapan.

"Uy ang galing mo talaga," ani ng aking bestfriend

"Oo nga. Okay lang yan Top 2 ka nga eh," Ani ng isa kong kaklase

Napansin kasi nila na hindi ako kumikibo kaya naman nilapitan nila ako at nakapalibot sa akin ngayon ang iba.

'Hindi yun okay sa pamilya ko.' Nasabi ko na lang iyan sa isip ko nang puro papuri ang natatanggap ko.

"Kami nga wala eh Hahaha."

"Nakaka proud ka nga eh, kung ako yan baka nag pakain na si mama sa buong baranggay namin."

"Hmm!"

Pag c-comfort nila sa'kin dahil kanina pa ako nakabusangot ang mukha simula nang matapos ang awarding namin na hindi man lang binigyan ng oras ng aking mga magulang.

"Salamat huh? Aalis na ako." simpleng pagpapaalam ko sa kanila at tumayo na para umuwi.

Nasa tapat na ako ng aming bahay pero hindi pa ako pumapasok marahil ay dahil sa takot? kaba?

Bumuntong hininga muma ako bago pumasok pero isang malakas na sampal ang bumungad sa akin na hindi ko naman dapat ikabigla dahil handa na ako pero nabigla parin ako sa lakas nun.

"You're sush a disappointment," mariing sabi ni Mama.

"I'm sorry po." Naluluhang sabi ko.

"Sorry? Ha! Lagi ka nalang pangalawa! Ayaw mo bang mas umangat? Hindi ka nag aaral ng mabuti."

"Ginawa ko naman po lahat eh."

"Ginawa? Lahat? Then you're not doing your best. You're really a disapointment."  Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis na siya kasama si Papa.

Pagkapasok kong kwarto ay napasandal nalang ako sa likod ng pintuan at umiyak.

'Ayoko na, pagod na ako. Ginagawa ko naman ang lahat bakit parang kulang pa rin?' ani ko sa aking isipan habang lumuluha

Pagkatapos kong umiyak ay nahiga na rin ako sa kama para matulog.

Nagising ako sa malakas na kalabog sa pintuan ko kaya kahit tinatamad akong bumangon at binuksan yun pero isang malakas na sampal ang bumungad na nagpagising sa akin.

"Ate..." mahinang tawag ko sa ate ko na sumampal sa akin.

"What? You deserve it anyway 'coz you're such a brat!" Malakas nyang sigaw sa akin.

"A-ano?" Walang ng salita pa ang lumabas sa bibig ko kahit maraming katanungan sa isip ko.

"Ano to?" sabi nya at ipinakita ang picture ko na may kalandian...

"Ate hindi ako yan." Nakatitig pa rin sa picture na ipinakita nya

"Anong hinde? Sa kaibigan ko mismo galing 'to! ano, sinungaling siya. Tapos malalaman ko pa na pinapakitaan mo ng kasamaan mo yung boyfriend ko nung pumunta dito?" Nakakunoot noong ani nya at nanliliit pa ang mga mata sa galit sa akin.

"Oo, sinungaling yang kaibigan mo! Tdaka yang boyfriend mo isa ring siraulo!" Matigas na sabi ko pero nakatanggap lang ulit ako ng isa pang sampal tsaka siya umalis ng umiiling habang dinuduro pa ako.

Pagkaalis nya ay napaupo nalang ako hindi malaman kung ano ang dapat maramdaman.

Panigurago akong magsusumbong yun kila Mama at pag nalaman nila yung ginawa ko ay baka hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.

Kaya naman kahit nanghihina ay nag-impake ako ng mga gamit ko.

Pagod na ako sa ganito, simula bata palang ako ay ganito na sila sa akin. Pagod na pagod na ako sa mga high expextation nila at sa mga pinapagawa nila na hindi ko gusto, pagod na din akong ubusin ang sarilu ko para lang maging proud sila sa akin.

Hindi naman nila ako makita bilang ako, hindi nila makita yung mga ginagawa ko para sa kanila, hindi man lang nila ako pahalagahan pero bakit naman kasi nila ako papahalagahan eh ampon lang naman ako at hindi tunay na anak.

Ngayong araw na 'to naubusan na ako ng pasensya kaya susubukan kong tumayo sa sarili kong paa at iwan sila, susubukan kong mamuhay mag-isa.

Nagpapasalamat din ako kahit papaano dahil nangyari ang mga nangyari kanina dahil kung hindi iyon nangyari ay hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na talikuran sila at gawin ang mga bagay na gusto kong gawin na walang tumututol, walang high expectation at kung ano ano pa.

Sana lang ay makaya ko, sana hanggang sa huli ay matatag pa rin ang loob ko, alam ko naman na hindi ako pababayaan ng Panginoon kaya ipagkakatiwala ko na ang lahat sa kanya.

----------

Writing Account: Keyyzah Ely (facebook)
-Pinky_Marble

Compilation of my Short Stories (One-Shots)Where stories live. Discover now