•Old Letters•

0 0 0
                                    

Title: Old Letters
Genre:
Warning: Typogramatical and Grammatical Errors Ahead.

E N J O Y  R E A D I N G . . .
.............................................
🌹

Nandito ako sa kwarto ko at nag kukulong dahil ewan.

Naiinis kasi ako feeling ko hindi na ako mahal ng mga magulang ko porket may mga kapatid na ako, lagi nalang nasa kanila ang attention nila.

Ang sama kong kapatid at anak kasi naiisip ko ang bagay na iyan.

Naisipan kong pumasok sa kwarto ng mga magulang ko alam kong mali kasi privacy nga.

Pagkapasok ko ay may nakita akong kabinet na bukas kaya tinignan ko ito at may nakita akong parang sobre ma may lamang maraming papel.

Familyar siya sa akin kaya binuksan ko ito at mga lumang sulat ang aking nakita.

Umupo ako sa kama nila Mom at tinignan isa-isa, sulat kamay ko itong mga ito pero magulo ang pagkakasulat pero naiintindihan naman. Hula ko ay noong bata ko pa ito sinulat.

Ang mga nababasa ko lang sa sulat ay...

'mahal ko po kayo, mahal kita dad, mom' na para bang araw araw kong pinapaalala sa kanila iyon, yung iba ay may mga bulaklak na nalanta na.

May isang sulat akong napansin at hindi ko iyon sulat, kay dad.

Habang binabasa ko ang sulat ay napaiyak ako.

Sinasabi sa sulat na natutuwa daw sila sa akin lasi lagi ko daw silang naaalala at nagpapasalamat at hinihiling na sana ganito ako lagi at hindi mag bago, nag papasalamat din sila dahil sa pag aalaga ko sa kapatid ko pero parang nabigo ko sila ngayon kasi alam ko sa sarili ko na nagbago ako at hindinko na masyadong naaalagan ang kapatid ko.

Sabi din doon na lagi ko silang protektahan at pagbutihin ang pag aaral ko, humingi din sila ng tawad dahil minsan ay napagsasabihan nila ako at sinabi na para sa akin din naman daw iyon. Sa huling sulat ay nakasaad ang "Mahal na mahal ka namin ng Mommy mo at kapatid mo".

Duon ako napaluha ng sobra. Mahal nila ako. Yun ang pumasok sa isip ko.

'Sorry kung nagbago ako at sorry kung iniisip ko na hindi nyo na ako mahal, Mom, Dad

Ngayon ko masasabi na walang magulang ang hindi mahal ang anak nila at sadyang nararamdama ko lang yon dahil sa kung ano anong iniisip ko.

-----------

Writing Account: Keyyzah Ely (facebook)
-Pinky_Marble

Compilation of my Short Stories (One-Shots)Where stories live. Discover now