•Dancing•

1 0 0
                                    

Title: Dancing
Genre: Uh?
Warning: Typogramatical and Grammatical Errors Ahead.

E N J O Y  R E A D I N G . . .
.............................................
🌹

Isa lang akong simpleng bata na nangangarap magimg magaling na Dancer.

Nung una ay hindi ako ganoong kagalingan.

Sinubukan kong manood ng dance practice at nung makabisado ko ay gumawa ako ng video ng sayaw at pinost sa aking social media.

Di nagtagal ay may mga nag-comment at exited naman akong binasa iyon.

Ngunit kusang nawala ang aking mga ngiti at napalitan ng mga luha.

"Wala kang talent sa pagsayaw"

"Ang tigas ng katawan mo Hahaha"

"Trying Hard Dancer Hahaha"

Ang sasakit ng mga sinabi nila... Ang mas masakit pa duon ay mga kaibigan ko iyon.

I was just 13 years old that time.

Pero tumatak na sa isip ko na...

Mas lalo ko pang nagustuhan ang maging magaling na mananayaw.

Na papatunayan ko na magiging magaling din ako.

Someday....

Nag practice ako ng maige. Sumali ako sa Dance Club sa school.

Pinag-igihan ko ang pag papraktice... Gustong-gusto kong matuto at maging magaling.

Pinagsabay ko ang pag-aaral ko sa pagsasayaw ko. Mahirap Oo.

Dahil ilang beses akong nadapa, nasaktan, at nawalan ng pag-asa pero di ako sumuko.

Masaya naman ako at nag eenjoy ako.

Dahil sa pagsusumikap ko...

Sa wakas.

Naging magaling akong mananayaw. Sumikat ako dahil sa kagalingan ko at dahil narin sa sariling sikap.

Napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko ung unang araw ko palang sa pag sayaw.

Todo bash sila sa akin noon.

Trying hard nga daw ako dati.

Pero ngayon.

Hindi na. Masaya ako syempre kasi natupad ang pangarap kong maging magaling na mananayaw at napatunayan ko na magiging magaling ako.

Yung dating nagcomment sa post ko na puro pan iinsulto?

Sinusoportahan na nila ako ngayon.

Masaya ako. Masayang masaya.

Dahil sa wakas.

Nagbunga ang pinaghirapan ko.

Noon ang comment nila...

"Wala kang talent sa pagsayaw"

"Ang tigas ng katawan mo Hahaha"

"Trying Hard Dancer Hahaha"

Ngayon naging.....

"Ang galiing namaab"

"Woow astig talaga!"

"Idool na kitaaa!"

At dahi yan sa paghihirap ko at pagsusumikap.

-----------

Writing Account: Keyyzah Ely (facebook)
-Pinky_Marble

Compilation of my Short Stories (One-Shots)Where stories live. Discover now