•Why did you stay?•

2 0 0
                                    

Title: Why did you stay?
Genre: Romance
Warning: Typogramatical and Grammatical Errors Ahead.

E N J O Y  R E A D I N G . . .
.............................................
🌹

"Okay fine!" Huling sinabi ko sa Girlfriend ko at binaba na ang tawag.

Tinotopak nanaman kasi at inaaway ako, tch nakakasawa na.

Napailing na lang ako at pumunta ng kusina ay dun ko nakita si Dad.

"Hi, dad" pagbati ko sa kanya at kumuha ng maiinom.

"Hmm" tinignan nya lang ako at tumango tsaka siya bumalik sa ginagawa.

"Nagugutom ka po ulit?" Pagtatanong ko dito dahil nag hahanda siya ng pagkain eh kumain na kami kanina.

"Nah. For your mom, naguguton siya eh tinatamad bumaba."

Tumango naman ako at umupo sa harap nya.

"Dad?" Pagtawag ko dito.

"Why?"

"Why did you stay?" Pagtatanong ko.

"What do you mean?" sabi nya ng hindi tumitingin sa akin.

"I mean... Wag po kayo magagalit ah?"

"Hm Sure."

"Di ba po si Mom minsan tamad, minsan naman po inaaway kayo bigla o basta. Pero nag s-stay pa rin kayo. How?"

"Bakit? Haha. Nag away ulit kayo?" Patukoy nya sa Girlfriend ko habang nakatingin sa akin.

Si Dad lang ang nakakaalam na may ka relasyon ako kasi baka magalit si Mom.

"Uhh, yes." Pag amin ko sa kanya.

"Hmm. Bakit?" Pagtatanong nito at inayos yung mga ginamit nya.

"Ewan. Tinotopak." Simpleng sagot ko.

"Dad. Pano mo natiis yung bad sides ni Mom?" Pahaplbol na tanong ko

Iginilid nya yung mga pagkaim na hinanda nya at tumingin sa akin

"Simple lang. Mahal ko siya."

"Yun lang?"

"Alam mo anak. Kung mahal mo ang isang tao kahit gaano pa karami ang bad sides nyan mamahalin mo parin yan, iintindihin mo yan."

"Eh minsan kasi nakakasawa na din po." Pangangatwiran ko na ikinatawa naman nya ng bahagya.

"Hmm. Oo nakakasawa, minsan Haha. Pero sa akin kasi kahit na Topakin, mabilis magselos, strikto minsan ang Mama mo tinitis ko yun, iniintindi ko yun kasi kasama yun sa minahal ko sa kanya dahil siya yan, ganyan siya kaya hindi ako magsasawa."

"Mas gugustuhin ko pang tiisin siya kesa sa mawala siya 'no! Haha." nakangiting sabi nya kaya napangiti na rin ako.

"Maiintindihan mo din yan pag nag karoon ka ng seryosong relasyon." Pagdagdag nya pa.

"Thankyou, Dad."

"Hmm. Anytime. Eh anobamg pinag awayan nyo?"

"Wala dad. Nagkasagutan lang."

"Okay." Kinuha na nya yung tray na may laman ng pagkain at tumingin sa akin.

"Hahatid ko na 'to sa Mom mo, ayusin mo yung away nyong dalawa huh?"

"Okay dad , thankyou po" tumango lang siya at umalis na kaya umalis na din ako, pupunatahan ko ang Girlfriend ko para makipag-ayos. Dahil alam ko na nagkamali ako, nasigawan ko siya, kailangan kong humingi ng tawad.

-----------

Writing Account: Keyyzah Ely (facebook)
-Pinky_Marble

Compilation of my Short Stories (One-Shots)Where stories live. Discover now