Title: Pangarap
Genre: Motivation?
Warning: Typogramatical and Grammatical Errors Ahead.E N J O Y R E A D I N G . . .
.............................................
🌹Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang aking mga kaklase na may kanya kanyang ginagawa base sa kung saan sila magaling.
May mga kumakanta at may mga nag gigitara, may mga nag d-drawing, may sumasayaw.
Nakakalungkot lang kasi wala ako ni isa sa mga talentong ganoon, naiingit ako sa kanila dahil alam na nila kung saan sila magaling, kung ano ang talento nila, kung ano ang gusto nilang maging sa paglaki.
Habang ako ay hindi pa, hindi ko pa alam kung ano ang talento ko, hindi ko pa rin madiskubre kung saan ba talaga ako magaling, kung saan ako mag-e-excel.
Sinusubukan kong sumubok ng mga bagay bagay para lang malaman kung saan ba talaga ako magaling pero mahirapan lang ako at walang nangyari.
Sinubukan kong mag-aral kumanta pero wala talaga sa'kin ang pagiging singer.
Sinibukan kong mag training as a dancer pero sadyang matigas talaga ang katawan ko.
Sinubukan kong sumali sa cooking class pero wala sa kamay ko ang galing sa pagluluto.
Sinubukan kong mag drawing pero wala akong mai-guhit.
Sinubukan ko din mag sulat ng kwento pero hindi naging maganda ang kinalabasan.
Takot din ako sa public speacking para maging Teacher.
Takot sa dugo para maging Doctor.
Takot sa heights para maging Flight Attendant.
Hindi ba? Napaka-nega ko?, Wala eh, natural na 'to.
Hindi ko nga din malaman kung ano ang trabahong nababagay sa akin dahil pakiramdam ko kahit saang trabaho pa yan ay mag f-fail ako.
Minsan napapaisip ako kung ano ba talaga ang purpose ko dito sa mundo dahil wala naman akong kayang gawin.
Nawawalan na ako ng pag-asa, siguro wala talaga akong mararating sa buhay ang inaalala ko lang ay kung mag s-señior highschool ba ako, ilang buwan na lang pero hindi ko pa rin alam kung ano ang kukuhanin kong strand dahil gaya nga ng sabi ko eh hindi ko alam kung saan ako nababagay, wala akong kayang gawin, hindi ko din nakikita yung sarili ko sa kung anong trabaho, kaya ayun nahihirapan ako.
"Tara bes, canteen tayo," ani ng aking kaibigan, si Siella.
"Sige" walang ganang sagot ko at tumayo.
Habang nag-lalakad kami ay panay ang daldal at kwento nya.
"Alam mo bes, ahhh. I really can't believe na g-graduate na tayo! Yieee. Excited na ako bes, ikaw ba?"Kita mo talaga sa mukha nya ang saya at excitement nya pano yung mga mata nya nag-niningning tapos ang lawak pa ng ngiti pero hindi nakaligtas sa akin yung konting pangamba sa mga mata nya.
Siguro ay dahil kinakabahan sya sa grade nya, kung g-graduate ba o hindi, o kaya naman ay natatakot sa mga bagong bagay na mararanasan sa señior high school.
"Hindi ako excited" napabuntong hininga ako nung sinabi iyon sa kanya.
Pagkasabi ko non ay agad na gumuhit ang pagtatakha sa kanyang mukha, kumunot din ang noo nya at napasimangot, kulang nalang ay magkaroon sya ng malaking question mark sa kanyang mga mata.
"Bakit ka naman hindi excited?" tanong nya sa akin at tinignan ako na agad ding nag-iwas ng tingin dahil mabubunggo na sya sa pintuan ng canteen kung tititig lang sya sa akin hanggang sa makasagot ako.
YOU ARE READING
Compilation of my Short Stories (One-Shots)
RandomCompilation of all One-Shot stories of Pinky_Marble My Works. My Journey. My Masterpiece. One-shots. Short Stories. Different Genres. New and edited version of one-shots. First posted on my Writing Account on Facebook named "Keyyzah Ely" E...