Title: Camera
Genre: IDK. Sorry hehe
Warning: Typogramatical and Grammatical Errors Ahead.E N J O Y R E A D I N G . . .
.............................................
🌹Kagabi lang ay niregaluhan ako ng dad ko ng isang camera kaya exited akong pumasok dahil una kong kukunan ng litrato ay ang mga kaibigan at kaklase ko para na rin may alaala ako sa kanila dahil magtatapos na nga ang klase para sa school year na ito.
Nakangiti akong naglalakad papasok ng school habang hawak ang camera na nakasabit sa leeg ko, agad din naman akong napatakbo ng makita ang aking silid.
Nang makapasok ay nilapag ko ang bag ko sa upuan ko.
"Good Morniing, Guyz" Pagbati ko sa kanila ng nakangiti.
"Morning den, Hyper mo ata?" Pagtatanong ng president namin.
"Uhm... Kukuhanan ko kasi kayo ng picture, ilalagay ko sa scrapbook ko. Hehe" Sabi ko sa kanya at pinayagan nya naman ako kaya ipinaalam ko sa mga kaklase ko.
Una kong kinuhanan ay yung parang Joker sa amin.
"Smile" at ngumiti naman siya ng nagpakalaki.
Nakangiti ko siyang kinuhanan at nang matapos at tinignan ko ang kuha ko pero agad ding nagtaka dahil parang may nakita akobg scenaryo sa isip ko.
[ Kakauwi lang nya ng bahay at pagkapasok ay sinabi nya na andito na siya pero walang sumagot kaya tinanong nya ang kasambahay na nasa kusina pero ang sagot ay umalis daw ang kanyang pamilya at kumain na daw siya, napabuntong hininga nalang siya at umakyat sa kanyang kwarto at dun siya umiyak ng umiyak. ]
"Okay ba?" Nakangiti nyang sabi kaya naman nagpilit ako ng ngiti.
"Okay." sabi ko at nag thumbs up pa, sunod ko naman na kinuhanan ay yung bully sa amin dahil nakipag unahan pa talaga siya sa iba.
"Ngumiti ka naman!" Ngumiti siya ng pilit na parang ewan at kinuhanan ko naman at kagaya kanina nung tignan ko ang larawan ay may scenaryo ulot akong nakita.
[ Nagising siya sa malakas na tunog sa ibaba na parang may nabasag kaya naman bumaba siya agad at nakita niya ang kanyang tatay na pagewang gewang sa kalasingan at may boteng basag sa gilid at saktong dating naman nf kanyang ate na dumiretso sa kusina at sumigaw ng 'Ano ba yan, bakit wala pang pagkain ha?' sigaw ng ate nya sa kanya kaya kaagad nya itong pi untahan sa kusina pero agad ding nakatanggap ng paghampas sa ulo, at sinabing ang tamad mo talaga. Sinubukan nyang sabihin na kagigising lamang nya pero agad din siyang iniwan ]
Sunod naman is yung kaklase kong matalino, laging kasama sa mga top 10 ganun. Siguro naman ay maganda na ang makikita ko dito.
Kinuhanan ko na siya ng litrato at tinignan iyon ng matapos.
[ Maaa! Sigaw na pagtawag nya sa kanyang nanay at nakita naman nya ito sa sala, 'Ma, Top 2 ako oh' Exited nyang ibinakita ang certificate at medal na nakuha nya, 'Ma alam mo ba malapiy lang daw ang average namin nung top 1 nagkulang lang daw ng isang pun--' naputol ang sasabihin nya nang biglang magsalita ang nanay nya, 'Isang puntos lang pala eh, Dapat mas ginalingan mo pa! Gayahin mo si blah blah' At umalis na at naluluha naman syang tinignan ang Medal na nakuha nya. ]
Yung tinatawag naman nilang Pabida daw dahil lagi daw nakadikit kay ma'am or basta ang kinuhanan ko at isa nanang senaryo ang nakita.
[ 'Mom, Dad bukas na po ang birthday ko' Pag sasabi nya habang nasa hapag sila at kumakain. 'Ah oo, sabihin mo.nalang kung anong regalo gusto mo ako na din bahala sa party.' Sagot ng nanay nya 'Ayoko po sana magpaparty ma, Tayo nalang po gumala--' 'Ah hindi puwede eh may bussiness trip kami ng dad mo' Tumayo na suya ng tumayo ang mga magulang nya, 'Sige, sweety Goodnight' Sabi ng dad nya. Sa isip isip nya naman ay lagi na lamang ganoon pag kaarawan ko na, wala sila. ]
Napabuntong hininga nalang ako sa mga nakikitang pangyayari.
Marami na din akong nakuhanan ng litrato at ganun nga ang nangyayari pag tininignan ko ang larawan nila.
May mga nagahasa, May mga napalayas, May mga iniwan ng pamilya.
Pero hindi naman lahat masasama meron ding maaayos tulad nang.
May pamilyang maaayos at buo, May mga proud ang pamilya sa kanila at marami pa.
Minsan ay hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko.
At itong sunod na ang kukuhanan ko, ang bestfriend ko.
Pilit akong ngumiti sa kaibigan ko at handa para sa susunod na makikita, sana ay maganda at maayos na kasi baka hindi ko na kayanin... Pagkatapos ko siyang kinuhanan at tilignan ang litrato pero agad ding nawala ang ngiti at agad naluha.
"Bakit?" nagtatakha nyang tanong nang makita ang naging reaktion ko.
"W-wala. I n-ne-need t-to g-go."
agad akong tumakbo palabas, narinig ko pa ang ibang sabi ng mga kaklase ko.'Hoy hindi pa ako tapos!'
'Anong nangyari dun?'Hinihingan along napaupo sa tabi ng puno sa labas ng paaralan namin at tinignan ang camera.
"Anong klaseng Camera ito? Bakit ganun? Anong meron dito?"
-----------
Writing Account: Keyyzah Ely (facebook)
-Pinky_Marble
YOU ARE READING
Compilation of my Short Stories (One-Shots)
De TodoCompilation of all One-Shot stories of Pinky_Marble My Works. My Journey. My Masterpiece. One-shots. Short Stories. Different Genres. New and edited version of one-shots. First posted on my Writing Account on Facebook named "Keyyzah Ely" E...