Title: Multo?
Genre: Comedy
Warning: Typogramatical and Grammatical Errors Ahead.E N J O Y R E A D I N G . . .
.............................................
🌹Alas tres na ng umaga ay gising na gising pa ako, hindi ako makatulog sa hindi malamang dahilan.
Ilang beses na akong uminom ng gatas para makatulog.
Marami na din akong nabilang ng tupa sa isip ko.
Nag-imagine na din ako ng kung ano-ano, na imagine ko na din na ikakasal kami ni crush pero.
Wala pa rin... Talaga
Gising na gising pa rin ako.
Kailangan siguro kape na ang inumin ko para makatulog?
Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman ay pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.
Ilang beses naman na akong bumalik dito dahil inom ako ng inom ng gatas sa kagustuhan kong makatulog na.
Pero this time.
Pag-kababa ko ay may naramdaman akong kakaiba.
Hindi ko nalang pinansin dahil ayokong takutin ang sarili ko.
Nang makapunta sa kusina ay napalunok nalang ako sa kaba.
Ngunit hindi ko alam kung bakit.
Pumadok ako sa kusina at dumiretso sa Ref at hindi na inintindi ang kadiliman.
Hindi ko naman kasi binuksan ang ilaw kaya ang tanging ilaw ko lang ay ang ilaw na nang gagaling sa Ref na nakabukas habang nagsasalin ako ng tubig sa baso.
Binalik ko ang pitsel at sinarado ang ref.
Muntik na aking mabulunan ng may narinig akong nakakatakot na tunog.
Kakaiba.
*Shreekk*
Napapikit nalang ako at binilisan ang pag inom.
Nang maubos ay nilagay ko lang sa lamesa at umakyat na.
Ngunit nasa isang palapag palang ako ng hagdan ay may kalabog akong narinig.
Na sinundan pa ng isa na parang may nabasag.
Napalunok ako at napapikit ng mariin bago pumunta sa kusina kung saan nang gagaling ang tunog.
Natatakot ako.
Seryoso.
Huhu mama help!
*Boogsh*
"Ahhh!"
Sigaw ko sa takot at napatakip ng tenga.
'A-ano i-iyon?'
"M-may t-tao b-ba d-dyan?"
Nauutal na tanong ko habang papalapit.
'Huhu. Pwede mang hingi muna ng back-up? Kahit ung power rangers lang o kaya si batman.'
"Ehem"
*krek*
Tunog na parang may kinakalmot na bakal.
"Huhu ano iyon?"
Iiyak talaga ako!
Napalunok muna ako bago inilapit ang kamay ko sa bukasan ng ilaw pero bago ko buksan ay may humawak sa kamay ko kaya agad ko iyong binawi.
"Waaaaa! Huhu sino yon?"
Napapikit nalang ako at kung ano-anong pumasok sa isip ko na posibilidad na mukha nitong multo na ito.
"Awooo"
"Waa" Napasigaw ako dahil may biglang nagsalita ngunit agad ding nagtakha.
"Multo ako."
"Hahaha"
Napatayo naman ako ng ayos na narinig ko at inis binuksan ko agad ang ilaw at tumambad sa akin ang mukha pinsan ko na halos maiyak sa kakatawa habang nakaturo sa akin kaya pinalo ko ang kamay nya.
"Ano ba!" Inis na tanong ko at pinag papalo sya.
"Hahahsh. Takot!" Pang-aasar nito
"Nakakainis."At tinalikuran sya na nakakunot ang noo.
'Makakaganti din ako sa'yo gag*'
Tawa parin sya ng tawa nung paakyat na ako.
"Baliw..." Pabulong ko na sabi at pumasok na sa kwarto ko.
'Makatulog na nga lang'
-----------
Writing Account: Keyyzah Ely (facebook)
-Pinky_Marble
YOU ARE READING
Compilation of my Short Stories (One-Shots)
RandomCompilation of all One-Shot stories of Pinky_Marble My Works. My Journey. My Masterpiece. One-shots. Short Stories. Different Genres. New and edited version of one-shots. First posted on my Writing Account on Facebook named "Keyyzah Ely" E...