Title: Time of my life
Genre: Rom-Trag
Warning: Typogramatical and Grammatical Errors Ahead.E N J O Y R E A D I N G . . .
.............................................
🌹Ako si Aro at ako ay may kakaibang buhay, iba ang buhay ko sa buhay ng iba dahil ako ay ang natatanging may oras na binabantayan, may misyong kailangamg matuklasan at matapos.
Nagmulat ako sa mundong ito ng wala sa aking tabi ang aking mga magulang, hindi ko nga mawari kung bakit ako nabuhay ganoong wala akong magulang na magbabantay at bubuhay sa akin.
Doon ko lamang nalaman ang dahilan, noong panahong may babaeng hindi ko makilala ang nagbigay sa akin ng bagay na may parihabang hugis na may dalawang tatsulok sa loob na magkabaliktad, mag kaharap ang dalawang tulis ngunit mapapansin ang bilog duon na hindi ganoong kalaki, parang gatuldok ng isang panulat.
May buhangin sa loob niyon at bumababa sa ibabang tatsulok ngunit mabagal lamang.
Noong una ang hindi ko malaman kung para saan ito, hindi ko alam kung bakit ito ibinibigay sa akin ng isang babaeng istranghero.
Sinabi nya sa akin na ito daw amg bilang ng buhay ko na ito daw ang oras ng buhay ko, ngunit hindi ko parin maintindihan ng tuluyan kaya naman sa akin ay ipinaliwanag nito.
Ang tawag daw dito ay 'Buhay Oras'. Dito daw malalaman kung hanggang saan na lamang ang buhay ko.
Kung bakit raw ako nagkaroon ng ganoon at kung bakit daw kailangan ko iyon ay dahil sa aking kasalanan, hindi ko alam kung ano itong kasalanang tinutukoy nya, wala akong kaalam-alam.
Ang sabi nya ay iyon daw ang pinakamalaking kasalan ko noong nakaraang buhay,ngunit ang kasalanang iyon ay wala pa rin akong kaalam-alam hindi nya rin sinabi sa akin ang tungkol doon.
Binigyan lamang daw ako ng pagkakataon upang baguhin iyon ngunit kay oras kaya talagang kailangan ko ang Oras buhay na ito kung tawagin nya.
Bago siya tuluyang lumisan ay sinabi nyang ang huwag o hindi maaaring ako ay mag mahal o makaramdam ng pagmamahal dahil magiging mahirap sa akin gawin ang misyon ko.
Nang makaalis ang babae ay napa-upo na lamang ako sa panlulumo, parang lalo ata ako mahihirapang mabuhay nito.
"Wala ka bang matitirhan iho?"
Napatingin ako sa nagsalita, isa itong tagapag-silbi sa simbahan, isang madre."Ah. Parang ganoon na nga po."
Napapayukong sabi ko."Nasaan ang iyong mga magulang?" Napatingin ako sa kanya at nakita kong iginala nya ang kanyang paningin sa paligin na animong may hinahanap.
"Magulang? Wala po akong mga magulang." Napabuntong hininga kong sabi at halata namang nagulat siya.
"Ganoon ba iho? Kung hanoon nga maaari namang sa amin ka muna mamalagi hanggang mahanap mo ang tunay mong mga magulang, puwede ba?."
Tumango-tango nalang ako siguro sa kanila ko muna hanggang sa magawa ko ang misyong sinasabi nung babae at hanggang matapos ang oras.Muli kong tinignan ang hawak hawak na parihabang hugis pilit akong ngumiti at inalala ang aming pag uusap.
Kagaya nga ng sinabi ng madre ay sa kanila muna ako namalagi, ang madre na kumupkop sa akin kaya may matutuluyan na ako at may gagabay na rin sa akin.Bago ako makatulog ay naalala ko ang kaisa-isang bilin sa akin ang "Huwag magmahal".
Ano ba ang pagmamahal? Ganoon na ba ito kadelikado kaya pinag bawalan ako?
Ano ba ang pakiramdam ng magmahal?
Umiling na lamang ako bago pumikit at nakatulog.
Dumating ang mga araw at medyo dumarami ang mga buhanging pumupunta sa ibabang bahagi ng tatsulok, hibig sabihin ay nababawasan ang buhay na mayroon ako at ang oras para matapos ang misyon ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung ano itong bagay na kailangan kong matuklasan at matapos.
YOU ARE READING
Compilation of my Short Stories (One-Shots)
LosoweCompilation of all One-Shot stories of Pinky_Marble My Works. My Journey. My Masterpiece. One-shots. Short Stories. Different Genres. New and edited version of one-shots. First posted on my Writing Account on Facebook named "Keyyzah Ely" E...