[Nichole’s POV]
“Nichole okay ka lang?” Nginitian ko lang si Miko at tumango. Pero ang totoo niya hindi ako okay. Gusto ko matulog.Lately lagi puyat and lagi din maaga gumigising para mailigpit ang mga bagay na nasa locker. Napapagod na ako.
“Mukha inaantok ka, gusto mo matulog?” Tumango tango ako. Gusto ko na matulog sa kama ko pero hindi pwede kase maytatapusin pa ako assignment.
“Tara e hatid na kita sa inyo” pagyaya niya. Nailing naman ako.
“Huwag na, kaya ko ito..kunti na lang matatapos ko na ang assignment” ngumiti na lang ako ulet at muli humikab.
“Sigurado ka?” nagaalala talaga siya sa akin. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at niyakap ang braso niya.
“Paidlip muna sandali” kahit kalian ang bango bango mo talaga Miko. Naramdaman ko na inaamoy niya ang buhok ko. Hinawi niya ang buhok ko na humarang sa mukha ko at isinabit sa tenga ko. Nangilabot ako ng dahil sa dahan dahan paghaplos niya sa mukha ko hanggang sa hindi ko namalayan, bigla niya ako ninakawan ng halik. Smack lang pero iyon ang nagpagising sa buo diwa ko. Napasinghap ako at Napa upo ng maayos. Naramdaman ko ang pang iinit ng pisngi ko. Nakita ko siya palihim na natatawa. Hinampas ko ng mahina ang braso niya.
“bakit mo ginawa iyon? Nasa library tayo” potek ang dyosa namumula ang face. Shock dahil kay Miko.
“Why? Masama ba halikan ang girlfriend?” natatawa tanong nito.
“Hindi naman, pero huwag naman sa public, Miko!” ngumisi lang siya at lumapit sa mukha ko.
“M-Miko?” napalunok ako.Huwag niya sabihin balak niya ako halikan ulet?
“I want to show them that you are mine para e alis na nila ang pagnanasa sa mga mata nila kanina pa nakatingin sayo. Gusto ko patayin na lang nila ako sa isipan nila kesa naman pagnasaan nila ang girlfriend ko” Spell Pula? Pulang pula na talaga ang mukha ko lalo na ng ma confirm ko na marami nga nakatingin sa amin. K-kanina pa nila kami tinitignan? Iyong iba agad nag iwas ng tingin. Hinawakan ni Miko ang kamay ko.
“Lets go” pagyaya niya. After niya sabihin iyon ay inayos ko ang mga gamit ko at tumayo. Inakbayan naman ako ni Miko.
“Mamatay kayo sa inggit” bulong niya. SIniko ko naman siya
“Why?”
“Ikaw naman mamatay dyan sa selos!” pang asar ko. Napangisi lang siya. Pagkalabas naming sa library nagtungo na agad kami sa parking lot. Binuksan na niya ang pinto ng car ko. Magkaiba kami ng sasakyan. Meron siya sarili at meron din ako. Nakapasok na ako sa loob ng may sabihin siya.
“Hindi ako nagseselos, masaya lang ako malaman how lucky I am to have you in my life” Matapos niya sabihin iyon ay lumapit siya sa akin and kissed me. Lulunurin na talaga ako ni Miko ng mga halik niya at pagmamahal.
BINABASA MO ANG
May AIDS ako?! [ONGOING STORY] by Jwritten
Teen FictionShort Story. Don't Judge the Book by its Title lol. Read it First ok? My First Short Story Ever haha! Written by Jwritten Dati ay short story lang ito pero dahil marami nagrequest na gawin ito series and sila ang naging inspiration ko kaya ayon.Ongo...