Stone 1: Magical Novel

77 14 16
                                        

Stone 1:

Senti Any POVS:

"Magic is the power to use supernatural forces to make impossible things happen, such as making people disappear or controlling events in nature. They believe in magic. It is also the art and skill of performing mysterious tricks to entertain people, for example by making things appear and disappear..."

Halos makatulog na ako rito sa desk habang nakikinig sa professor namin na dinidiscuss ang tungkol sa magic. Kanina pa ako hinihikab, samantalang iyong ibang kaklase namin ay tulog na.

Well, sino bang hindi aantukin kung sobrang boring ng itinuturo ng professor mo? Kani-kanina lang ay dinidiscuss niya ang tungkol sa mga myths, pero ngayon napunta na sa magic? Ano namang kinalaman noon sa subject namin?

Minsan hindi ko maintindihan ang professor ko. Kakaiba ang trip sa buhay. Napabuntong-hininga na lang ako. Tiniis ko ang isang oras na pananatili rito sa Art Appreciation subject na ito.

Tiningnan ko ang orasan sa aking relo. Five minutes na lang at uwian na. Sa wakas, makakalabas na rin ako sa nakakaantok na classroom na ito!

Saktong tumunog ang bell, tanda na tapos na ang klase namin kaya makakauwi na ako nang matiwasay.

Nililigpit ko ang aking mga gamit nang biglang sumulpot sa aking harapan ang mukha ng babaeng makapal ang makeup sa mukha, si Kensly-ang aking bestfriend. As always, naka-crop top na naman siya. Mabuti na lang at sexy siya at makinis ang balat niya kaya bumabagay sa kanya ang suot. Nagagawa nga naman ng maperang tao.

"Hey, sissy, uuwi ka na ba?" nakangiting tanong nito.

"Yes," sabi ko at lumabas ng classroom. Sumunod naman agad siya at pinantayan ako ng lakad sa hallway. Marami-rami ang mga tao sa hallway, uwian na rin kasi ng iba kaya tumatambay muna rito.

Biglang ipinulupot ni Kensly ang kamay sa aking braso, mga nakagawian niyang gawin tuwing magkasama kaming naglalakad.

"Wala ka na bang gagawin?" tanong niya.

"Wala na."

"Edi, sama ka sa akin!"

Nagtatakang nilingon ko lang siya. "At saan naman tayo pupunta?"

Ngumisi naman siya, iyong tipong may kakaibang binabalak. "Saan pa? Edi sa bar!" Huminto ako upang harapin siya. Tinuktukan ko siya sa kanyang noo, napa-aray naman siya. "Ouch! What was that for?" reklamo niya habang hinihimas-himas ang noo.

"Para matauhan iyang baliw mong utak. Anong bar ka riyan, ah? Gusto mo bang masuntok sa mukha?" singhal ko, "Tapos niyayaya mo pa talaga ako! Loka kang babae ka!"

Natawa lang siya sa sinabi ko. "Ano namang masama roon, sissy? As if namang hindi ka pa nakakapunta roon."

"Hindi naman talaga, ah!" Tinaasan niya lang ako ng kilay, hindi naniniwala sa sinabi ko. I gulped. "I mean, hindi na. Nagtitipid ako, 'no?"

Humagalpak siya ng tawa, bagay na ikinalingon ng mga tao sa paligid namin. Walang hiyang babaeng ito! Baliw talaga! Agaw-pansin tuloy kami. Nakakahiya talaga siya!

Naglakad na lang ako palayo at iniwan siyang mukhang tanga.

"Hey, Senti, wait!"

Bahala ka diyan!

****

Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto. Pagod na pagod akong humiga sa kama. Ang tamlay ng katawan ko. Wala naman akong ginagawa buong maghapon kundi ang umupo sa classroom, pero heto ako, dinaig pa ang nagbubuhat ng mga bigas sa sobrang pagod.

Elements Of StoneMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon