Stone 3: Crazy things

49 11 0
                                        


Stone 3:

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Napaungol ako bigla nang maramdaman ang pagkirot sa aking noo.

Putek, ano bang nangyayari-

Natigilan ako nang mapansin ang sariling nakatali sa silya. Napasinghap ako sa gulat. What the heck? Anong nangyayari? Bakit ako nakatali rito?

Sinubukan kong tanggalin ang tali, kaso hindi ko talaga maigalaw ang sarili dahil sobrang kapal ng taling nakapalibot sa aking katawan!

Walang hiya! Sino ba ang mga lapastangang gumawa nito sa 'ki-

Nanlaki ang mga mata ko at nagngitngit ang mga ngipin sa sobrang inis at takot nang makita ang mukha ng anim na taong nakatayo ngayon sa harapan ko. Worst, nakangiti pa talaga sila! Nakakikilabot pa ang mga ngiting ibinibigay nila! Aba naman talaga-!

"H-Hoy! Pakawalan ninyo ako rito! Mga halimaw kayo!" sigaw ko at pilit na nagpupumiglas makawala sa makapal na tali.

"Paumanhin, binibini, ngunit hindi namin maaaring gawin ang bagay na iyan," mahinahong tugon ng kulay blue ang buhok na lalaki.

Kumunot ang noo ko sa inis at pagtataka. "At bakit hindi? Pamamahay ko ito! Kaya pakawalan ninyo ako rito kung ayaw niyong i-report ko kayo sa mga pulis!"

"Report? Pulis?" Binigyan nila ako ng nagtatakang tingin.

"Oo!" Sinubukan ko ulit tanggalin ang taling nakapalibot sa akin, kaso nauuwi ako sa wala. Nanghina na lang ako. Kainis naman!

Parang gusto ko tuloy maiyak sa inis. Itinali lang naman ako ng mga halimaw sa sarili kong pamamahay! Pakiramdam ko ay hinostage ako. Napapadyak na lang ako sa inis.

"Binibini, makinig ka muna sa amin. May mahalaga kaming bagay na ipapaliwanag sa iyo." Napalingon ako sa babaeng kulay violet ang buhok at mata, matangos ang ilong, rosy skin, at manipis ang ibabang labi. Mukha siyang mahinahon at mabait na babae kung titingnan. Weird lang ang mga kulay ng buhok at mata nilang lahat.

"At ano naman iyon, bukod sa pagiging trespassing dito sa pamamahay ko?" iritado at seryosong tanong ko.

Nagkatinginan silang anim, bumuntong-hininga siya at saka lumapit sa akin. Masamang tingin naman ang ibinigay ko sa kanya.

"Binibini, kung iyong mararapatin, nais naming ipakilala ang aming sarili sa iyo upang ika'y hindi matakot at mangamba."

Mapakla akong natawa sa sinabi niya. Ang weird talaga ng mga halimaw na ito. Pati pananalita ay wirdo! Saka binibini pa ang tinawag sa akin! Ano ito? Nasa Spanish era ba kami? Tapos sila ang mga guwardiya sibil? Walang hiya iyan.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang magpatuloy.

"Binibini, ako si Pebrero. Siya naman si Enero." Itinuro niya ang lalaking color gray ang buhok, chestnut brown ang mata, pointed nose, light skin, at thin lip. Matangkad ito, at tahimik. Mukha rin siyang inosente tingnan. Siya iyong unang tingin pa lang malalaman mo na agad na hindi siya palasalita.

"Siya naman si Marso." Napalingon ako sa isa pang lalaki na color blue ang buhok at mata, tan skin, and sharp lip. Matangkad rin ito at hitsura pa lang ay mahahalata mo nang malokong lalaki. Ebidensiya na roon ang nakakainis na ngisi sa labi niya. Napairap na lang ako.

"Siya naman si Hunyo." Itinuro niya ang lalaking may color cream hair and gray eyes, may muscular muscle, at manipis ang labi. Maputi rin ito. Sa unang tingin ay mukha siyang mabait at banal na tao. Pero dahil sa kakaibang ngiti sa labi niya ay napagtanto kong mukhang delikado lapitan ang lalaking ito.

"Siya naman si Abril." Napalingon ako sa babaeng kulay white ang mata at buhok, matangos ang ilong, at may light skin. Pa-oval din ang hugis ng kanyang labi. Sa unang tingin ay mahahalata mo nang masiyahin siya dahil sa awra.

Elements Of StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon