Stone 6:
"Kumusta ang iyong pakiramdam?" tanong sa akin ni Pebrero. Nandito na kami ngayon sa bahay. Matapos ang nangyari kanina ay inalalayan nila ako hanggang makauwi rito.
Laking pasasalamat ko na dumating sila at tinulungan ako, dahil kung hindi ay malamang na-rape na talaga ako.
Nakaupo ako sa sofa at pinalilibutan naman nila akong anim. Pinagigitnaan ako ng upo nina Abril at Pebrero, samantalang nakatayo naman sa aking harapan ang mga lalaki pati na si Mayo.
Umiling lang ako sa kanila at hindi na nagsalita. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi pa rin maialis sa aking sistema ang nakakikilabot na haplos ng mga manyakis na iyon. Pakiramdam ko ay maiiyak ulit ako sa takot. Nanghihina ako.
Napahigpit na lang ako ng hawak sa kurtinang nakabalot sa katawan ko ngayon. Tuwalya o kumot dapat ang nakabalot sa akin ngayon, e. Pero dahil nga may pagka-engot si Hunyo ay ang kurtina sa bintana ang kinuha niya. Worst, nasira pa ang sabitan nito dahil sa sobrang lakas ng paghila niya.
Gusto ko sana siyang sigawan sa inis, pero hindi ko magawa dahil wala na akong lakas matapos ang nangyari kanina.
"May masakit ba sa iyo? Sabihin mo sa akin at nang magamot ko." Lumingon ako kay Pebrero. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Umiling na lang ulit ako saka ngumiti sa kanya.
"Okay lang ako. Huwag niyo na akong intind-"
"Ok? Ano ang salitang iyon, binibini?" Biglang sumingit sa usapan si Marso. Agad naman siyang siniko ni Mayo bago ito bigyan ng nakamamatay na tingin.
Napabuntong-hininga na lang ako. Oo nga pala, nakalimutan kong mga alien ang kausap ko.
"Nais mo ba ng maiinom na tubig?" tanong ni Abril na hinimas-himas pa ang aking likod.
Tumango na lang ako sa kanya. Sa totoo lang, kanina pa ako nauuhaw dahil sa nangyari.
Agad namang nagtaas ng kamay si Hunyo. "Ako na ang kukuha ng maiinom na tubig para sa iyo, aking binibini."
Magsasalita pa sana ako para pigilan siya, kaso nakaalis na siya agad kaya wala na akong nagawa.
"Ano na ang iyong plano, binibini? Nais mo bang tapusin na ang buhay ng mga lalaking iyon? Nais mo bang tulungan ka namin?" tanong bigla ni Marso. "Huwag kang mag-alala, isang hagis lang namin sa kanila, patay na sila." Ngumiti siya pagkatapos.
"Tama siya, binibini. Sa hitsura pa lang ng mga lalaking iyon ay natitiyak ko nang mahihina lamang sila. Wala rin silang kapangyarihang taglay," nakangiting dagdag ni Abril.
Sinamaan ko lang sila ng tingin. "Alangan, e, mga-"
"Narito na ang iyong maiinom na tubig, binibini." Napalingon kami bigla kay Hunyo na hingal na hingal, at sa malaking mangkok na hawak niyang puno ng tubig. Ibinigay niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap. "Pasensya na kung natagalan. Nawa'y iyong magustuhan ang tubig na iyan."
Nagtatakang nilingon ko lang siya pati ang mangkok na hawak. Walang hiya, paano naging baso ang isang mangkok? Saka bakit parang may mga alikabok ang lumulutang sa tubig? Tatanungin ko pa sana tungkol dito pero dahil uhaw na uhaw na nga ako ay nagpasalamat na lang ako at walang anu-ano'y ininom ang tubig.
"Saan mo nakuha ang mangkok at ang tubig na iyan, Hunyo?" Tinuro ni Mayo ang iniinom ko. Ngumiti naman sa kanya ang isa.
"Nakita ko lang sa isang mesa ang mangkok. Ang tubig naman ay kinuha ko mula doon sa isang bagay na naglalaman ng mga isdang lumalangoy-"
Bigla kong naibuga nang wala sa oras ang iniinom dahil sa sinabi niya. Napaubo pa ako. Nakuha ko ang atensyon nilang lahat dahil doon. What the heck?
BINABASA MO ANG
Elements Of Stone
FantasyAng pagsulat na yata ng isang magical novel ang pinaka-wirdong pinagawa sa kanila ng professor ni Senti. Love story nga, nami-mental black siya? Fantasy pa kaya? Kaya hindi niya alam kung paano sisimulan ang prohekto na iyon. Hanggang isang gabi, m...