Stone 9: The weird situation.

38 8 1
                                        

Stone 8

Pagkatapos ng agahan kaninang umaga ay dumiretso ako sa campus. Nasa bahay pa rin ang anim na halimaw. Hinayaan ko muna silang manatili roon para 'di na makagawa ng katangahan sa labas. Pero siyempre, dahil tatanga-tanga nga sila ay binantaan kong huwag gagalawin ang mga kagamitan, dahil kung hindi ay hindi ulit sila makakatapak sa pamamahay ko.

"Senti!" Natigil ako sa paglalakad dito sa hallway nang biglang sumulpot sa gilid ko si Kensly, dala ang matamis at malapad na ngiti sa labi niyang makapal na naman ang violet lipstick. Naka-red dress siya ngayon.

"Oh, anong mayro'n at kung makangiti ka ay wagas?" takang tanong ko habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Lalong lumapad ang ngiti niya saka ikinuwit ang kamay sa braso ko. "Nothing. Masaya lang ako. Bakit, masama ba?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman."

Nagpatuloy kami sa paglalakad paakyat sa third floor kung saan ang classroom namin for first subject.

Sinulyapan ko si Kensly. Nakayuko siya nang bahagya at malaki pa rin ang ngiti sa labi, akala mo inlove. Napapaisip tuloy ako. Kinalimutan niya na ba ang tungkol sa nangyari sa restaurant kahapon? Hindi na ba siya nagtataka, curious, o nababahala? Sa nakikita ko ngayon, parang wala lang sa kanya ang nangyari, parang naka-move on na siya sa nalaman samantalang kahapon ay grabe ang pagkabahala at pagtataka niya.

Hindi kaya ay sinunod niya talaga ang sinabi kong kalimutan na iyon? Pero kilala ko siya, hindi siya madaling makalimot o maka-move sa isang pangyayaring nasasaksihan lalo na kung hindi iyon ordinaryo.

"Hey, Sissy, are you alright?"

Napakurap ako nang biglang ikinaway ni Kensly ang kamay sa aking harapan. She gave me a questioning look. Oh, goodness! Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya! Napalunok na lang ako saka umiwas ng tingin.

"O-okay lang ako."

Sinilip niya ang mukha ko saka tinaasan ako ng kilay. "You sure?"

"Y-yeah."

Nagkibit-balikat na lang siya saka napanguso. "Okay."

Pagdating sa classroom ay agad kong inilapag sa upuan ang bag, ganoon din ang ginawa ni Kensly. Mga sampu pa lang kaming mga estudyante rito. Ang iba ay may kanya-kanyang business, ang iba naman ay nagchichismisan. Umupo ako sa silya, ganoon din si Kensly.

Nilingon ko siya. Nagsasalamin siya ngayon sa camera, nagpapa-cute pa doon at may panguso-nguso pang nalalaman. Kumunot ang noo ko. Ang weird niya.

Mukhang napansin niyang nakatingin ako kaya nilingon niya rin ako. "What?"

"Sabihin mo nga sa akin, Ano bang trip mo ngayong araw? Ang weird mo," sabi ko.

Natawa lang siya saka lalong pinalapad ang ngiti. "Basta..." Kinindatan niya ako pagkatapos sabay tumawa nang mahina.

Pinaningkitan ko siya ng mata dahil doon. "Why do I have this feeling that you are keeping a secret from me?"

"I don't." Umiwas siya ng tingin at saka muling nagsalamin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ahuh?"

Ibinaba niya ang cellphone saka nakangusong lumingon sa akin. "C'mon, Sissy, ayoko munang magsalita."

Napa-cross arm na lang ako sa kanyang sinabi saka napangisi. "Sabi na, e. May tinatago ka nga."

"E, kasi..." Muli siyang ngumuso sa akin, halatang guilty.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Okay, fine. Hindi na kita kukulitin. Pero, sure ka bang wala ka nang pakialam tungkol sa nangyari kahapon sa restaurant?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elements Of StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon