Stone 8: Confrontion in Breakfast

30 8 12
                                        

Stone 8:

Matapos kong makita si Abril ay agad akong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto, only to find out na kompleto sila.

"Oh, ayan."

Isa-isa kong iniabot sa anim na halimaw ang mga towel. At dahil tatlo lang ito ay kumot na lang muna pinahiram ko sa mga boys.

Nakaupo silang lahat ngayon sa sofa habang niyayakap ang kumot at towel. Ako naman ay nakatayo sa kanilang harapan habang pinagmamasdan sila.

Malakas pa rin ang ulan kaya malamig ngayon. Kahit ayoko sa presensya nila at kahit ayoko nang makita sila ay may awa pa namang natitira sa akin kaya pinapapasok ko sila sa bahay. Isa pa, hindi ko maatim na makita sila sa labas ng bahay habang basa at nanginginig sa lamig. Hindi kakayanin ng konsensya ko, hindi ako makakatulog.

"Ikaw ay mayroong busilak na puso, binibini," wika ni Hunyo na malaki ang ngiti sa akin. Inirapan ko lang siya. Mukha siyang tanga magsalita.

"Hindi nga ako nagkamali na ika'y muling magbubukas ng pinto upang kami'y patuluyin sa iyong tahanan," dagdag naman ni Marso na medyo nanginginig sa lamig, mahigpit ang hawak niya sa tuwalya.

"Utang na loob namin sa iyo ang tulong na iyong ginawa," saad ni Pebrero.

"Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Pebrero Pebpeb." Humagikhik si Abril.

Napabuntong-hininga lang ako at saka napa-cross arm. "Hindi ako mabait."

"Ang pagpapatuloy sa amin dito sa iyong tahanan ay nagpapakita ng pagiging matulungin at mabait, binibini," saad ni Marso.

"Lahat naman yata ng taong makakakita sa kalagayan ninyo ay gagawin din ang ginawa ko?" Bumuntong-hininga ako pagkatapos saka tiningnan ang relo. "Anyway, malalim na ang gabi at inaantok na ako. Bukas na lang tayo mag-usap. Matulog na rin kayo."

Agad namang sumilay ang mga ngiti sa labi nila maliban kay Mayo at Enero.

"Maraming salamat, binibini! Totoo ngang ikaw ay may busilak—"

"Tigilan mo ako, Hunyo. Isa pa, huwag niyo na ako tawaging Binibini. May pangalan ako. Senti na lang ang itawag ninyo sa akin," sabi ko at saka lumingon kina Pebrero. "Doon ulit kayo matulog sa kwartong ginamit niyo kahapon."

"Maraming salamat, Senti-Senti!" Binigyan ako ng matamis na ngiti ni Abril. Kumunot lang noo ko.

"Senti, hindi Senti-Senti."

"Pero bagay naman sa iyo ang pangalan na iyon, Senti-Senti." Humagikhik siya pagkatapos. Napabuntong-hininga na lang ako sa kakulitan niya at saka sumimangot.

"Whatever. O, siya, bukas na ulit tayo mag-usap." Tumalikod na ako at saka nagsimulang maglakad papasok sa kwarto, pero napahinto akong muli at nilingon sila nang may maalala. "One more thing, bawal manira ng gamit ko dito. Sa oras na makita ko bukas na pinaglalaruan niyo na naman ang mga kagamitan sa bahay ay hinding-hindi ko kayo mapapatawad. Hinding-hindi ko na rin kayo papapasukin dito. Maliwanag?"

Agad naman silang ngumiti at saka tumango sa akin.
 

"Masusunod, Binibini." Tumayo si Hunyo para mag-bow sa akin. Napairap na lang ako sa kalokohan niya at saka tumungo sa kwarto.

Nang makahiga ay muling sumagi sa isip ko ang nangyaring insidente sa restaurant.

Oo nga pala! Nakalimutan kong i-confirm sa kanila ang tungkol doon!

Ah, bahala na nga! Itatanong ko na lang sa kanila bukas. Inaantok na ako, masakit pa ulo ko, dumagdag pa sila sa isipin ko. Aba, matindi.

***

Elements Of StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon