"Kami ay nagmula sa mundo ng Birmon, sa kaharian ng Amesa, sa bayan ng Beruso. May malaking gulo ang kasalukuyang nagaganap doon at kailangan namin mahanap ang mga elemento ng bato sa lalong madaling panahon. Ito lang ang tanging paraan upang magapi ang kasamaan ni Ambros, at muling maibalik sa dating tahimik at mapayapa ang buong mundo namin."
Napasimangot lang ako matapos ang pahayag ni Pebrero. Pagkatapos ng ginawa nila sa akin ay napilitan akong makinig at pakisamahan sila ngayon.
Heto sila, nagsimula na sa kalokohan.
Hindi ko naman kasi alam kung anong ka-echos-an ang mga kinukwento nila. Gusto ko rin sana silang tawanan kaso baka isipin nilang hindi ko sila siniseryoso, which is true naman.Well, sino ba naman kasi sa panahon ngayon ang maniniwala sa mga ganyang kwento? Kahit ikwento ko pa siguro ito kay Kensly, malamang pati ako pagtatawanan lang no'n at sabihing nababaliw na ako.
Humalukipkip na lang ako at sumandal sa sofa naming butas-butas na sa sobrang luma. Katabi ko ang mga babae at kaharap naman namin ang tatlong lalaki na nakaupo sa silyang kahoy na marupok na rin. Buti nga at hindi pa ito bumibigay sa bigat nila. Konting sipa ko lang sa upuan ay malamang warak na iyan.
Iba na talaga kapag mahirap katulad ko. Napailing na lang ako nang palihim.
"Nasa amin na ang tatlong elementong bato. Ngunit may tatlo pang hindi nahahanap," saad ni Pebrero.
"O, ngayon? Anong gagawin ko?" nakasimangot na tanong ko.
"Kailangan namin ng iyong tulong upang mahanap ang tatlo pang nawawalang elemento ng bato." Napalingon ako kay Mayo na nasa tabi ko nang magsalita siya.
Umangat lang ang kilay ko, naguguluhan, at saka itinuro ang sarili. "Ako? Kailangan niyo ng tulong ko? Nagbibiro ba kayo?"
Kumunot naman ang noo nito. "Mukha ba kaming nagbibiro?" Bigla akong na-intimidate sa sobrang seryoso ng mukha niya. Putek, ang sungit naman ng babaeng ito. Pwede na siyang maging commander o supervisor sa pagiging suplada.
Napalunok na lang ako at saka nilingon ang mga lalaki na nakatingin lang din sa akin. Dumako kay Enero ang paningin ko. Nasa akin din ang paningin niya. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan ng magtagpo ang mga paningin namin. Ang pungay ng mata niya, nakaka-hypnotize.
Napalunok na lang ako at saka umiwas ng tingin.
"N-No. Hindi ko kayo matutulungan," sabi ko.
"Ano ang salitang, 'No'?" takang tanong ni Abril.
I sighed then rolled my eyes. "Ibig sabihin, hindi."
Namilog naman ang mga mata at bibig niya, namamangha sa sinabi ko. "Napakagandang salita! Nais kong matutunan iyan!"
"Sorry, hindi ako teacher-"
"Ngunit ikaw lang ang tanging pag-asa namin," singit ni Pebrero, nagsusumamo ang kanyang mga mata sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Hindi lang ako ang tao sa mundo. Kaya sa iba na lang kayo magpatulong para mahanap iyang batong sinasabi ninyo na hindi naman nag-i-exist."
"Iksis?" kunot-noong tanong ni Hunyo.
I mentally rolled my eyes. "Exist, hindi iksis!"
"Nagsasabi kami nang totoo. Nararapat lamang na kami ay paniwalaan mo. Hindi isang biro ang pagdating namin dito sa inyong mundo," seryosong saad ni Mayo, kunot ang noo.
"Bakit, may iba pa ba kayong mundo na napuntahan maliban dito?" takang tanong ko.
"Wala na. Ito pa lamang ang unang beses na napunta kami sa ganitong mundo," paliwanag ni Pebrero.
BINABASA MO ANG
Elements Of Stone
FantasyAng pagsulat na yata ng isang magical novel ang pinaka-wirdong pinagawa sa kanila ng professor ni Senti. Love story nga, nami-mental black siya? Fantasy pa kaya? Kaya hindi niya alam kung paano sisimulan ang prohekto na iyon. Hanggang isang gabi, m...