Stone 5: Pitiful

43 10 0
                                        

Pagkatapos kong palayasin ang anim na tao ay nagsimula akong maglinis sa buong sala. Halos mangiyak-ngiyak pa ako dahil sa sobrang inis at pagkaawa sa mga gamit na tinorture ng mga walang hiyang stranger kanina.

Ang mga baso na galing sa kusina ay napunta rito, worst, basag na. Ang mga tinidor ko ay nagkalat. Ang mga papel ko, including my notebook subjects ay marami nang pilas at nagkalat sa sahig. May mga thumb taks pa nga akong nakita, e. Muntikan pa akong makaapak nito kung hindi ko lang napansin. Mga hayop talaga.

Hindi ko alam kung ilang oras akong naglilinis habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko. I feel like a broken hearted woman who cleaned her house.

Inilagay ko na sa sako ang kaawa-awang TV namin na pangsinaunang-panahon ang disenyo. Sobrang lungkot ko dahil sa sinapit nito. Parang gusto ko tuloy paslangin si Abril. Anong sasabihin ko kay Mama kapag nalaman niyang wala na ang pinakamamahal niyang TV? Alangan naman sabihin kong aksidente itong nalaglag, dahil siya mismo nag-pwesto nito sa ligtas na lugar. Isa pa, kapag sinabi kong ako ang nakasira ay hindi siya maniniwala lalo na't maingat ako sa gamit.

Napakagat-labi na lang ako at saka nilapitan ang cellphone. Basag na ang screen nito. Nag-crack pa ang likuran. Sinubukan ko itong i-on, pero hindi gumana. Pinukpok ko na ito't lahat ay ayaw pa rin.

Nanlumo na lang akong napapaupo sa lumang sofa namin na kita na ang kahoy at foam sa ilalim. I'm so hopeless!

Ano nang gagawin ko ngayon? Paano ko ipapaliwanag kay Mama ang nangyari kapag tumawag siya at hindi ako ma-contact? Wala pa naman akong pambili ng bago. Damit nga, 'di ako makabili-bili, ito pa kaya? Kainis! Kasalanan itong lahat ng mga halimaw na iyon, e!

Inilibot ko ang aking paningin sa buong sulok ng sala. Jusko, ang daming nangyari sa bahay na ito sa loob lang ng isang araw. Sumasakit ang utak ko. Ang hirap i-absorb ng mga nangyayari lalo na iyong mga magic ng anim na halimaw na sobrang hindi kapani-paniwala!

Napahilot na lang ako sa sintido. Kasabay noon ay ang biglang pagtunog ng tiyan ko. Naku po, buong araw pala akong hindi kumain dahil sa mga malalaking peste rito sa bahay.

Napagpasyahan kong pumasok sa kusina para sa magluto. Pero nabigla ako bumungad sa akin. Ang gripo sa lababo ay nakabukas, ang mga plato ay nagkalat, ang ref ay nakabukas at wala nang laman ang loob nito miski isa! Ang mga gulay at karne na laging nakalagay sa freezer ay nowhere to be found! Ang mga paboritong pagkain ko including kisses ay nakakalat sa sahig! Hindi ko rin maintindihan ang amoy ng paligid. Parang amoy patay na baboy.

Nanlumo ako bigla sa nakita. Pakiramdam ko maiiyak na naman ako sa sobrang inis dahil sa nangyayari. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Napakuyom na lang ako ng kamao at nanggigigil na pumikit nang mariin. Pinigilan kong sumigaw o gumawa ng bagay na maaaring makasira sa bahay.

Bwisit! Gustong-gusto kong lumabas ngayon at hanapin ang anim na tao para patayin sa sobrang galit. Mga hinayupak talaga!

Parang gusto ko tuloy maglupasay rito sa sahig at magwala. Okay lang naman sa akin na kunin nila lahat ng mga pagkain, e, 'wag lang ang kisses ko!

Grr! Sinusumpa ko, mamalasin silang anim!

Napasabunot na lang ako ng buhok at napapadyak sa sahig sa sobrang panggigigil. Para na akong baliw rito sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay sobrang pulang-pula na ng mukha ko sa sobrang pagpipigil na maglabas ng galit. Huminga na lang ako nang malalim at kinalma ang tensyunadong dibdib.

Sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang mag-drama habang naiiyak na nililigpit ang mga gamit. Iniisip ko na rin kung papaano ko mapapatay sa sobrang inis ang anim na halimaw kapag nagkita ulit kami. Gusto ko ay brutal ang pagkamatay nila para sulit naman ang paghihirap at pagdadalamhati ko ngayon sa mga nasirang gamit.

Elements Of StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon