Pagdating ng classroom ay malamyang umupo ako sa silya at napahilamos ng mukha. Para akong lantang gulay ngayon. Hirap na hirap akong maka-move on sa nangyari kanina sa bahay. Nakakasira ng ulo. Pakiramdam ko nababaliw na ako.
"Hey, Sissy, what happened to you?" Napalingon ako bigla kay Kensly na umupo sa harapan ko. She had this curiosity look. As usual, makapal na naman ang makeup niya lalong-lalo na ang paborito niyang violet lipstick. Naka-crop top din ang suot niya ngayon na tinernuhan naman ng high waist sa baba.
Napabuntong-hininga lang ako saka ipinatong ang ulo sa desk. "Wala. Napagod lang ako."
Dumungaw naman siya upang tingnan ang mukha ko saka ako tinaasan ng kilay. "Napagod? Saan?"
"Kakakunsumi sa mga halimaw sa bahay ko."
"Ha?"
Napuno ng pagtataka ang mukha niya kaya naman lalo niyang inilapit ang mukha sa akin, dahilan para maalibadbaran ako at itulak siya palayo. Napa-aray naman siya sa ginawa ko sabay himas sa noo habang nakanguso.
"Ouch, Senti! Grabe ka naman makatulak sa face ko. Ang sakit, ah!"
Inirapan ko lang siya saka muling umayos ng upo. "OA mo."
Sinamaan niya ulit ako ng tingin. "Grabe ka maka-OA, ah? Ano ba talagang nangyari sa iyo at mukhang exhausted ka?" Muling kumunot ang noo niya.
"Sinabi ko na kanina, adik. Paulit-ulit ka."
Tinaasan niya ulit ako ng kilay. "E, kung klaruhin mo kaya ang sinabi mo, ano? Gosh, Senti, ang hirap mong basahin." Inirapan niya ako.
Napasimangot na lang ako saka muling bumuntong-hininga. "Basta, wala. Pagod lang ako sa dami ng project na gagawin."
Tinitigan niya ako, tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Kaya naman ay tinitigan ko rin siya pabalik, ayokong magpatalo, ano? Siya na rin ang sumuko kalaunan. "O, sige. Bahala ka sa buhay mo. Anyway, dala ko na ngayon ang bagong cellphone mo. Ibibigay ko sa iyo mamaya. Ingatan mo iyon, ah?"
Ngumiti na lang ako. "Salamat."
***
Dumating ang ala una ng hapon. Ito ang oras kung saan ay haharapin ko na naman si Sir Herlas, ang nagpagawa ng Magical Novel sa amin. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa trip niya. Mabuti sana kung iyong mahilig lang sa pagsusulat ng novel ang pinagawa niya, e, hindi, e. Pati iyong mga ka-blockmates kong mahilig sa painting at photography ay napilitang gumawa ng story.
Hays, mukhang i-o-on-hold ko muna ang romance draft story ko. Kailangan kong magpukos sa Magical keme na ito.
"Sissy, inaantok ako. Pakigising na lang ako 'pag dumating na si sir, ah?"
"Okay." Tinanguan ko lang si Kensly. Katabi ko siya ngayon, mostly kasi sa ibang silya siya nakaupo. Ipinatong niya ang ulo sa desk at saka natulog. Ako naman ay kinalikot ang bagong smartphone ko na bigay niya.
Maganda naman ito, mukha pa ring bago since hindi na ito ginagamit ni Kensly. Kulay abo at realme11 ang tatak. Nag-browse muna ako saglit habang naghihintay sa pagdating ni Sir Herlas. Mabuti na lang at may load na ito kaya nakakapagbukas ako ng facebook. I also chatted my mother and explained why I didn't contact her. Pero siyempre, dahil ayokong sabihin sa kanya ang sinapit ng kaawa-awa niyang anak ay gumawa ulit ako ng kwento katulad ng alibi na sinabi ko kay Kensly.
Hindi nga lang online si mama. For sure ay nagtatrabaho pa siya sa mga oras na ito. Napuno rin ako ng mga messages niya, e. Halatang nag-aalala siya kung bakit hindi ako nakapag-message sa kanya. I felt guilty because of that.
BINABASA MO ANG
Elements Of Stone
FantastikAng pagsulat na yata ng isang magical novel ang pinaka-wirdong pinagawa sa kanila ng professor ni Senti. Love story nga, nami-mental black siya? Fantasy pa kaya? Kaya hindi niya alam kung paano sisimulan ang prohekto na iyon. Hanggang isang gabi, m...
