Prologue

18.8K 275 3
                                    

ARIES' POV

NAGHAHAIN ako ng pagkain para sa dinner namin ng asawa ko nang makarinig ako ng busina ng kotse mula sa labas.

Si Uno na siguro 'to, ang asawa ko.

Natapos na akong maghain nang makarinig ako ng mga yabag mula sa aking likuran. Nilingon ko ito at nakita ko si Uno na naglalakad papasok ng kusina.

"Uno, kain na tayo." Nakangiting sambit ko nang humarap ako sa kaniya.

"Tapos na akong mag-dinner with Lucy." Tukoy niya sa girlfriend niya.

Oo, may girlfriend siya kahit mag-asawa na kami. Iyon ang masakit, may mahal siyang iba at hindi ako 'yon. Naging desperada ako kaya ako mismo ang gumawa ng paraan para maikasal kami kahit may kasintahan na siya. Akala ko ay hiniwalayan na niya ito dahil kasal na kami ngunit nagkamali ako. Ipinagpatuloy pa rin nila ang relasyon nila. Kahit masakit at labag sa loob ko ay hinayaan ko na lamang sila.

Nakita ko siyang uminom ng tubig.

"Ah, gano'n ba? S-Sige, itatabi ko na lamang 'tong mga 'to para kapag nagutom ka, initin mo na lang." Nangingilid ang mga luhang iniligpit ko ang mga inihain ko sa mesa.

Narinig ko ang mga yabag niya paalis ng kusina kaya hindi ko na napigilan ang mga luha kong namalisbis na sa pisngi ko. Umakyat na ako sa itaas para dumiretso sa kuwarto ko nang matapos kong iligpit ang mga pagkaing nasa lamesa kanina. Dahil ayaw niya akong makatabi sa iisang kama ay tag-isa kami ng kuwarto. Nag-half bath muna ako bago nahiga sa kama para matulog nang hindi pa kumakain.

KINABUKASAN ay naalimpungatan ako nang may maramdaman akong sumasabunot sa buhok ko dahilan para mapaupo ako sa kama. Pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko ang mukha ni Uno--- galit na galit ang hilatsa ng mukha nito.

"U-Uno." Utal na sambit ko sa pangalan niya.

"ANONG ORAS NA HINDI KA PA RIN BUMABANGON?!" Rinig ko ang galit sa boses niya.

"S-Sorry."

"SORRY?!" Bigla niya akong sinampal. "LATE NA AKO SA TRABAHO TAPOS SORRY?! HA?!" Sinampal-sampal niya ang mukha ko tsaka niya ako sinabunutan. Biglang namalisbis ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa pag-agos pababa sa pisngi ko na ikinatagis ng bagang niya. "SINABI KO BANG UMIYAK KA?! HA?! PUTANGINA!!! WALA KANG KUWENTA!!!" Bigla na lamang niyang binitawan ang buhok dahilan para bumagsak ang mukha ko sa kama--- mabuti na lamang at hindi bumagsak ang mukha ko sa lapag--- sobrang sakit siguro n'on kapag nangyari 'yon. Napahagulgol na lamang ako at napayakap sa sarili ko.

Napaigtad pa ako nang marinig ang pabagsak na pagsara ng pinto.

I'm sorry, Uno.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak kaya nang magising akong muli ay madilim na sa labas. Bumaba na ako ng kama para dumiresto sa banyo. Humarap ako sa salamin na nasa loob ng banyo, nakita ko ang namamaga kong mga mata at mga pasa sa iba't ibang parte ng mukha ko na papagaling na. Lagi niya akong sinasaktan kapag nagkakamali ako, emosyonal at pisikal. Ngunit tiniis ko ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal ko para sa kaniya.

Muling namalisbis ang aking mga luha nang maalala na naman ang nangyari kaninang umaga.

Lagi na lang bang ganito, Aries? Maawa ka naman sa sarili mo. Bulong ng isang bahagi ng isip ko.

Nag-ayos muna ako ng sarili bago bumaba at pumunta sa kusina. Wala na ang mga niluto ko kagabi nang tignan ko ang laman ng ref kaya nagluto na muna ako dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

"Siguro kinain niya ang mga niluto ko kagabi nang ginutom siya kaya nagalit siya kaninang umaga dahil hindi ako maagang nagising para ipagluto siya ng agahan." Bulong ko sa sarili ko.

Nakahiga na ako ngayon sa kama, nakatunganga sa kisame. Ilang oras na ang nakalipas simula nang umakyat ako dito sa kuwarto ko hindi parin umuuwi si Uno. Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa bedside table para tawagan si papa.

"Good evening, pa." Bati ko nang sagutin niya ang tawag.

"[Nagbago na ba ang isip mo?]" Seryosong boses ang bungad niya mula sa kabilang linya. Napakagat-labi ako. "[Baka ang akala mo'y hindi namin napapansin ng mama mo ang mga pasa sa mukha mo kapag bumibisita kami riyan.]" Maya-maya ay naging malumanay na ang boses niya. "[Anak, maawa ka naman sa sarili mo. Noong una pa lang sinabi ko na sa 'yong masasaktan ka lang kapag ipinagpatuloy mo pa 'yang gusto mo, ngunit ano ang ginawa mo? Nagpumilit ka pa rin. At ano ang napala mo? Wala! Naging desperada ka dahil lang sa pagmamahal mo sa taong 'yon.]"

Hindi ko namalayang namalisbis na pala ang mga luha kong kanina ko pa pinipigalan. "P-Pa..."

"[Iwan mo na siya. Pakiusap, anak. Hindi niya deserve ang pagmamahal mo...]" Nahimigan ko ang sakit sa boses ni papa. ["Marami pa diyang lalaki na naghahangad ng atensiyon at pagmamahal mo. Huwag na sa taong iyan, anak. Pakiusap. Alam mo bang mas higit kaming nasasaktan ng mama mo sa tuwing nakakakita kami ng pasa sa mukha at katawan mo? Masakit para sa amin iyon, anak. Akala namin mapapasaya ka na namin dahil hinayaan ka na namin sa piling ng taong mahal mo, subalit hindi pala. Dahil puro sakit at paghihirap lamang ang mga dinanas mo. Umuwi ka na, anak. Dadalhin ka namin ng mama mo sa malayong lugar. Sumama ka na sa 'min, anak.]

"[Ang anak ba natin iyan?]" Narinig ko ang boses ni mama mula sa kabilang linya, tinatanong si papa. "[Akin na, ako ang kakausap...]" Pagkalipas ng ilang segundo ay si mama na ang nasa kabilang linya. "[Anak, umuwi ka na dito...]"

Napahikbi ako. "O-Opo, ma. U-Uuwi na po ako. Nakapag-isip-isip na po ako. Mahirap pong iwan si Uno, ngunit kakayanin ko po." Humihikbing sabi ko.

"[Mabuti 'yan, anak. Salamat naman at pinakinggan mo na kami ng papa mo...]"

Nakipag-usap pa ako sa mga magulang ko bago ako nagpaalam na ibababa na ang linya para mag-impake ng mga gamit ko. Nang matapos ako ay nilapitan ko ang divorce papers na nakapatong sa bedside table. Kumuha ako ng ballpen tsaka ko ito pinirmahan. After how many months na nasa ibabaw lang ng bedside table ko 'to, ngayon ay pipirmahan ko na.

Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal ko. Mahal na mahal kita. Paalam.

His Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon