ARIES' POV
"ATE Anabelle, ano'ng lulutuin mo ngayon?" Tanong ko.
Nakita kong napatalon siya sa gulat, buti na lang hindi nahiwa ang mga daliri niya.
Tumingin siya sa 'kin, gulat na gulat; nanlalaki pa ang mga mata niya. "Nakakagulat ka naman, Aries. Aatakihin yata ako nito sa puso. Jusko."
"Kanina pa kaya ako dito, Ate." Sabi ko. Talagang hindi niya napansin ang pagpasok ko.
Narinig ko ang pagtawa ni Cyrus.
"Pasensiya na, Aries, hindi kita napansin." Paghingi niya ng tawad.
"Ayos lang, ate." Lumapit ako sa kaniya. "Ano 'yang lulutuin mo?" Ulit ko sa tanong ko kanina.
"Adobong manok, request ni Lauxien." Sagot niya.
"Iyon lang ba, ate?" Tanong ko.
"Meron pa. Menudo at caldereta pa, request naman nina tita Faye." Sagot niya.
"Tulungan na kita diyan, ate."
"Sigurado ka ba, Aries?" Tanong niya.
"Oo naman, ate." Sagot ko.
"Patulungin mo na, ate Anabelle, kung ayaw mong masisante ka." Pagbibiro ni Cyrus.
Nakita ko namang natakot si ate Anabelle sa biro ni Cyrus.
"Huwag mong takutin." Pagsita ko kay Cyrus.
"Biro lang naman, e." Hindi pa rin magandang biro 'yon.
Nagpaubaya naman si ate Anabelle kaya tinulungan ko na. Natakot yata talaga sa biro ni Cyrus.
"Nasaan nga pala si mama?" Tanong ko nang maalala kong hindi ko manlang nakita si mama.
"Ah, sumama kay tito Leo." Sagot ni ate Anabelle.
Tumango ako.
LUNCH na nang matapos kaming magluto ni ate Anabelle, tumulong sa'min si ate Erlinda sa paghahain habang si Cyrus naman ay nasa sala. Habang naghahain kami ay nakarinig kami ng busina mula sa labas.
"Anak, nandiyan na sila." sabi ni 'nay Felly nang makapasok ito sa loob ng kusina.
"Gano'n ba, 'nay? Pakitawag na lang po sila para makakain na tayo." Sabi ko.
"Tayo, anak?" Nagtatakang tanong niya.
"Oo, 'nay, tayo. Sasabay po kayo sa'min, 'nay." Sagot ko.
"Sige, anak." Sabi niya tsaka siya naglakad papalabas ng kusina.
Napailing na lamang ako. Si nanay talaga.
"Mama!"
Narinig ko ang boses ni Lauxien kaya tumingin ako sa pinanggalingan ng boses niya. Nakita kong tumatakbo siya palapit sa 'kin.
"Careful, sweetie, baka madapa ka." Paalala ko.
Nang makalapit siya sa'kin ay niyakap niya ako sa hita. "Nandito na po ako, mama."
BINABASA MO ANG
His Battered Wife
RomanceAries Gomez-Santillan is the wife of Uno Santillan, CEO of Santillan Corporation. Wala siyang pakialam kung maging martyr at desperada man siya. Handa siyang sumugal kahit alam niyang sa una palang talo na siya. She loves him more than herself kaya...