Chapter 10

7.6K 141 3
                                    

UNO'S POV

"LILIPAT ka na naman ba sa bahay mo, anak?"

"Yes, mom." Maikling sagot ko.

"Baka naman i-ba-bahay mo na 'yang Lucy na 'yan." Nang-a-akusa ang tinig niya.

"Mom, ni sumagi nga 'yan sa isipan ko ay hindi manlang nangyari..." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Kung mabibigyan man ako ng pagkakataong mamili kung sino ang i-ba-bahay ko..." Tumingin ako sa mga mata niya para makita niyang seryoso ako. "Pipiliin ko si Aries, mom."

Saya ang bumakas sa mukha niya. "Mabuti naman kung gano'n, anak."

"Kapag hindi nangyari 'yan, kuya, bubugbugin talaga kita."

Napatingin ako sa kapatid kong nakahiga sa kama. "At hahayaan kita diyan." Nakangising sabi ko.

"Dapat lang, 'no." Tinulungan niya ako sa pag-i-impake.

"Gusto mo na yata talaga akong umalis dito, e." Kunwari'y nagtatampong sabi ko.

"Gustong-gusto talaga, kuya..." Nginisihan niya ako. "Para naman wala akong kaagaw sa mga binebake ni mommy na cookies..." Binelatan niya ako.

"Aba! Dahil lang pala sa pagkain..."

Tinawanan niya ako. "Alam mo namang mahal na mahal ko 'yang pagkain, kuya, nakikiagaw ka lang."

"Iyong-iyo na..."

"Siyempre naman, kuya."

"Maiwan ko na nga muna kayo dito. Magluluto muna ako ng lunch natin." Singit ni mommy.

"Sure, mom."

"Ramihan mo, mom."

Matakaw talaga. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pag-i-impake sa tulong ng kapatid ko.

ARIES' POV

NAALIMPUNGATAN ako nang may yumugyog sa balikat ko.

"Aries, gising."

Narinig ko ang boses ni Cyrus, nang magmulat ako ay nakita kong nakadungaw ang mukha niya sa 'kin.

"Bakit, Cy?" Tanong ko nang makaupo ako sa kama.

"Kakain na tayo, halika na."

"Kakain? Kakakain lang natin kanina, a." Nagtatakang sabi ko.

Nakita kong napakamot siya sa batok niya. "E, ano kasi..."

"Ano?" Tanong ko na bakas ang pagtataka sa mukha ko.

"Ang himbing kasi ng tulog mo, e. Gabi na, dinner na kaya ginising na kita." Sagot niya.

Tumayo naman ako at lumapit sa bintana para sumilip sa labas at tama nga siya... gabi na.

Ang haba naman ng tulog ko.

"Nakauwi na ba si Lauxien?" Tanong ko.

"Oo, kanina pa. Ayaw ka niyang gisingin dahil ang himbing daw ng tulog mo." Sagot niya.

His Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon