Chapter 1

12.1K 231 5
                                    

UNO'S POV

ILANG taon na ang nakakalipas simula nang iwan ako ng asawa ko. Kung kailan naamin ko na sa sarili kong siya pa rin pala talaga ang mahal ko tsaka niya naman ako iniwan.

Ang gago mo, Uno. Ang gago-gago mo.

Nakaupo ako ngayon sa sahig habang nakahilig sa kama ang likuran ko. Tinungga ko ang hawak kong bote na may lamang beer. Pang-anim na ito ngunit hindi pa ako nalalasing.

Ihiniga ko ang aking ulo sa kama para tumitig sa kisame. Napangiti na lamang ako ng muling manumbalik sa aking isipan ang nakaraan kung saan matagal ko siyang napagmasdan.

"Kuya, ang ganda niya, 'no?" Napatango ako. Sobrang ganda niya. "Alam mo, kuya? Siya ang gusto kong maging hipag in the near future. Sana siya ang makatuluyan mo, kuya."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ng kapatid ko. Nandito kami ngayon sa park, pinilit akong mamasyal ng kapatid ko dahil puro na lang daw libro ang kaharap ko. Dahil gusto ko rin namang may ibang mapaglilibangan ay pumayag na rin ako.

Nakita namin ang kaklase kong si Aries na nagbabasa ng libro habang nakaupo sa isang duyan. Mag-isa lang siya at parang walang pakialam sa paligid niya. Ang totoo niyan, matagal ko na siyang palihim na minamahal. Simpleng sulyap lang ang nagagawa ko dahil hindi ako makalapit sa kaniya para magtapat ng tunay na nararamdaman ko para sa kaniya. Pagdating kasi sa kaniya, ang duwag-duwag ko.

"Kung ako sa 'yo, kuya, gagawa na ako ng paraan para mapansin niya..." Maya-maya pa ay biglang sabi ng kapatid ko.

Napailing naman ako. "Hinding-hindi ako makakapasa sa standard niya kaya hayaan mo na lang siya, Dos."

"E, di patunayan mong hindi lang binabase sa standard ng tao ang pagmamahal, kuya..." Nilingon niya ako. "Kasi kapag puso na ang nagmahal, wala nang sta-standard. Tandaan mo 'yan, kuya."

Natawa ako. "Ang bata-bata mo pa alam mo na ang mga 'yan, ha." Ginulo ko ang buhok niya. "Dos, bata pa ako..." Pagpapaintindi ko. "Marami pa ang pwedeng mangyari pagkalipas ng maraming taon. Kung kami talaga ang itinadhana para sa isa't isa, e, di kami. Ngunit kung hindi, e, di hindi. Huwag dapat nating ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga para sa'tin..." Mahabang paliwanag ko. "at 'saka hindi naman ako nagmamadali. May tamang panahon para diyan." Dagdag ko.

"Kuya, kung talagang mahal mo siya at siya na ang nakikita mong makakasama mo in the near future, ikaw mismo ang gagawa ng paraan para mangyari 'yon. Kakalabanin mo ang tadhana para mangyari 'yon."

"Bakit ba napunta tayo sa ganiyang usapan? E, wala naman akong gusto sa kaniya." Pagkakaila ko.

"Ewan ko rin, kuya." Nagkatinginan kami at sabay kaming natawa. "Pero sigurado ka bang wala kang gusto sa kaniya, kuya? Sa mga sinabi mo pa lang kanina parang meron, e."

"Wala nga. Halika na nga, umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo nila mommy." Inakbayan ko siya at hinila na paalis roon ngunit bago 'yon ay binigyan ko pa ng huling sulyap si Aries na busy pa rin sa pagbabasa at walang kamalay-malay sa mga pinag-usapan namin ng kapatid ko.

Noon pa man ay minamahal ko na siya ng palihim dahil alam ko namang kahit kapantay namin ang estado ng buhay nila ay hindi niya ako mapapansin at mataas ang standard niya pagdating sa mga tulad kong barako. Nang mag-College ako ay nakilala ko si Lucy at sa kaniya ko naituon ang pagmamahal na dapat ay para kay Aries.

"What the hell, bro?! You look like shit!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, nakita ko sina Clev at Rex na parehong nakahilig sa hamba ng pinto ng kuwarto ko habang nakatingin sa'kin.

Naglakad sila palapit sa kinaroroonan ko at umupo sila sa tabi ko, pinapagitnaan ako. Mukha kaming sandwich dahil iniipit nila ako. Wala bang alam sa salitang 'space' ang dalawang 'to?

"Ano ang ginagawa niyo dito? Lumayo-layo nga kayo sa 'kin. Ang lawak-lawak ng kuwarto ko dumidikit kayo sa 'kin." Itinulak ko sila pareho bago muling tumungga sa hawak kong bote ng alak.

"Tinawagan ulit kami ni tita Susan dahil nagkukulong ka na naman daw dito sa kuwarto mo." Si Rex ang sumagot, nahiga ito sa kama ko. Feeling may-ari.

"Hindi mo pa rin ba siya makalimutan?" seryosong tanong ni Clev. Kumuha ito ng isang bote ng alak bago iyon binuksan at tinungga ang laman n'on. Naupo ito sa sofa--- kaharap ko.

Umiling ako.

"Ang gago mo kasi, bro. Nasa 'yo na nga, pinakawalan mo pa. Ang suwerte mo na nga, eh. 'Yong babaeng pinapangarap mo lang dati, nasa 'yo na. Ngunit ano ang ginawa mo? Sinayang mo. Sinaktan mo. Bro, ang gago mo." Si Clev ulit.

Naging kaibigan ko sila noong College ako. Dahil naging matalik ko na silang kaibigan ay nai-kuwento ko sa kanila ang lihim kong pag-tingin kay Aries. Wala akong inilihim ni isa sa kanila.

"Kung noong una pa lang sana ay napagtanto mo nang hindi naman pala talaga nawala ang pagmamahal mo para sa kaniya ay hindi sana hahantong sa ganito." Dagdag pa niya.

"Alam niyo naman ang totoong dahilan kaya ko nagawa 'yon, hindi ba?"

Natahimik sila pareho.

ARIES' POV

NANDITO ako ngayon sa sala namin, nakaupo ako sa isang single sofa habang kaharap ang laptop ko nang marinig ko ang boses ng anak kong si Lauxien.

"Mama!" Nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin. "Mama, namiss po kita." Niyakap niya ako nang makalapit siya sa'kin.

Niyakap ko naman siya pabalik. "Namiss din kita, sweetie."

Nakita ko si Cyrus na nakangiting naglalakad palapit sa'min.

"Musta ang bonding niyo?" Nakangiting tanong ko sa kaniya nang makaupo siya sa kaharap ng sofang kinauupuan ko.

"Okay naman. Magtatagal pa sana kami sa mall kaso namimiss ka na daw ni Lauxien kaya umuwi na kami." Nakangiting sagot niya habang nakatingin kay Lauxien na nakaupo na ngayon sa kandungan ko habang nilalaro ang mga daliri ko.

Dahil busy ako sa kompanya ko ay hinayaan ko na muna silang mag-bonding.

"Ganoon ba? Nga pala, sinabi na ba nina mama at papa na uuwi tayo sa Pilipinas?" Tanong ko.

"Yup. Kailan?"

"Two days from now." Sagot ko na ikinatango niya.

"Sure, mag-i-impake na ako. Muli ko na namang masisilayan ang ganda ng Pilipinas. Philippines, here I come." Masayang sambit niya.

Napaisip naman ako. Handa na rin ba akong harapin siyang muli?

His Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon