ARIES' POV
"YOU'RE really giving me a chance?" Tanong niya.
Tumango ako. "Yes, Uno."
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you. Thank you so much. This is my first and last chance."
Niyakap ko siya pabalik. "Sana hindi ko 'to pagsisihan sa bandang huli, Uno."
"Hinding-hindi, pangako 'yan."
"Ehem!"
Napabaklas kami sa pagyayakapan nang may biglang tumikhim. Nakita namin si Dos na nakangisi. Kanina pa ba siya diyan?
"K-Kanina k-ka pa di-diyan?" Kinakabahang tanong ko.
"Nope. Kararating ko lang, ate." Sagot niya na hindi makatingin sa'kin ng diretso. Sinungaling.
"At sino naman ang niloloko mo, aber?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala naman, ate, loyal kaya ako." Pamimilosopo niya.
"Huwag kang mamilosopo." Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Narinig kong tumawa si Uno kaya binalingan ko siya ng tingin.
"At ano naman ang tinatawa-tawa mo diyan? Gusto mong huwag tayong magbati?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Umamo naman ang mukha niya. "Hindi po." Niyakap niya ako sa tagiliran.
"Ano ba naman 'tong mga langgam na 'to, nangangagat." Napatingin ako kay Dos. "Ate, wala ba kayong ampalaya diyan, ipapakain ko lang sa mga langgam na 'to, panay kagat. Ouch." may pakamot at hampas pa siya kuno sa braso niya.
"Heh! Manahimik ka diyan!"
Narinig kong natawa siya. "Sa loob na nga lang ako." Napakamot siya sa batok niya. "Ciao."
UNO'S POV
NAPATAWA ako ng akmang babatuhin ni Aries ng tsinelas ang kapatid ko. Bigla itong tumakbo papasok ng bahay.
"At ano naman ang tinatawa-tawa mo diyang lalaki ka?" Namaywang siya sa harap ko.
Cute. "Wala naman, wife." Malambing na sagot ko.
Nakita kong namula ang parehong pisngi niya. "Wife ka diyan."
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ulit siya sa kaniyang tagiliran. "Wife naman talaga kita, ah. Hindi pa tayo hiwalay, wife."
"Ewan ko sa 'yo." Umiwas siya ng tingin kaya lalo akong napangiti.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Halika na nga sa loob, baka kakain na tayo. Alas syete na ng gabi." Hila ko sa kaniya papasok ng bahay.
"Nasaan nga pala ang parents mo? Bakit si Dos lang ang nakita ko?"
"Hindi mo ba nakita kanina?" Tanong ko nang buksan ko ang pinto sa kusina.
"Hindi."
"Siguro nagkasilisihan kayo kanina." Sabi ko at hinila siya papasok.
"Siguro nga."
"Sir, nandito pala kayo." Sabi ni Fatima, isa sa katulong namin, nakasalubong namin ito nang makapasok kami ng kusina. "Kanina pa po nila kayo hinihintay sa dining area."
"Gano'n ba? Salamat."
Naglakad kami palabas ng kusina para pumunta sa dining area. Nang makarating kami do'n ay nasa hapagkainan na ang lahat at kami na lang ang kulang.
"Ehem! Nandito na sila!" Anunsiyo ng kapatid ko nang makita niya kami.
Napatingin naman sa 'min ang lahat, nakita ko pang bumaba ang tingin nila sa magkahawak naming kamay ni Aries at napangiti.
"Ayos na kayo?" Si tito Leo ang nagtanong.
Napangiti naman ako ng malapad at hinapit si Aries sa baywang. "Opo, tito."
"Panay ka tito, a. Nagtatampo na ako."
Napatawa naman ako ng mahina. "Sorry, papa."
"Better. Halina kayo at kumain na tayo."
Iginiya ko naman si Aries at hinilaan ng upuan. "Take a seat, wife." Malambing na sabi ko.
Ngumiti naman siya sa 'kin. "Thanks."
Ngumiti naman ako at umupo sa tabi niya.
"Ehem!"
"Ang daming langgam."
"Magkakadiabetes na yata ako."
Samo't saring pagpaparinig ng lahat na tinawanan lang namin ni Aries. Inasikaso ko muna siya bago ko inasikaso ang sarili ko.
"Totoo ba talagang pinagpupunit at tinapon mo ang annulment papers niyo?" Maya-maya'y basag ni tita Faye sa katahimikan, inaasikaso niya si Lauxien na katabi niya. "Sinabi sa 'min ni Dos ang lahat." Tsismoso talaga ang kumag na 'to. Sinamaan ko ng tingin si Dos nang magtama ang paningin namin. Imbes na matakot ay nginisihan lang ako nito.
"Opo, tit---"
"Mama." putol niya sa sagot ko.
"Opo, mama."
"Ano na ang plano niyo ngayon, anak?" Si mommy naman ang nagtanong.
"Babalik na po kami sa dati naming bahay kung gugustuhin ni Aries, mom." Sagot ko. "By next week po aasikasuhin ko na po 'yong wedding namin."
Nakita kong napangiti ang lahat maliban kay Aries na gulat na gulat. "M-Magpapakasal tayo u-ulit?"
"Uh-ha..." hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Gusto kong magsimula tayong muli mula umpisa bilang isang pamilya."
"Mabuti 'yan, son, sundan niyo na rin si Lauxien, ha?"
Bigla na lang napaubo si Aries kaya inabot ko sa kaniya ang basong may lamang tubig. "Huwag mong biglain ang asawa ko, dad." Natawa lamang si dad. Binalingan ko si Aries. "Ayos ka lang ba, wife?" Nag-aalalang tanong ko. Hinagod ko pa ang likod niya.
Tumango siya nang maubos niya ang tubig na laman ng baso na inabot ko. "Ayos lang."
Tiningnan ko si daddy. "Hinay-hinay lang kasi sa pagtatanong, dad."
"Sorry, son, excited lang." Sabi niya.
Napailing na lamang ako at palihim na napangiti.
"Nga pala, ipapasyal ko kayo dito bukas na bukas din kaya dapat maaga kayong magising." Paalam ko sa lahat.
"Sure. No problem, dude." sabi ni Cyrus. Mabuti na lang at nakapag-usap na kami at nagkaayos ng pinsan ni Aries kanina.
"Talaga po, papa?" Tanong ni Lauxien, nagniningning ang mga mata.
"Oo, anak, kaya huwag kang malelate gumising, okay? Dapat agahan mo sa pagtulog." Bilin ko pa.
"Opo, papa."
Napangiti naman ako. 'Papa'. Ang sarap pakinggan.
"Mabuti naman at alam mo nang anak mo si Lauxien, hijo." Sabi ni papa, masaya.
"Narinig ko po kasi sila Aries at Dos na nag-uusap tungkol kay Lauxien, pa." Sabi ko at pinisil ang kamay ni Aries na hawak-hawak ko. Binalingan niya ako ng tingin kaya nginitian ko siya. Kumain ka pa."
"Mabuti 'yan para naman masaya na ang pamangkin ko." Sabi ni Cyrus, nakangiti.
Tumango naman ako at ngumiti.
Tinapos na namin ang pag-kain at nagkaniya-kaniya na ang lahat para umakyat sa itaas para magpahinga.
Sa kuwarto ko kami dumiretso. Buhat ko si Lauxien habang hawak ko naman ang kamay ni Aries. Siya mismo ang nagbukas ng pinto para makapasok kami. Pinauna ko munang maligo ang mag-ina ko at ako naman ang sumunod nang matapos sila.
BINABASA MO ANG
His Battered Wife
RomanceAries Gomez-Santillan is the wife of Uno Santillan, CEO of Santillan Corporation. Wala siyang pakialam kung maging martyr at desperada man siya. Handa siyang sumugal kahit alam niyang sa una palang talo na siya. She loves him more than herself kaya...