Chapter 14

7K 124 1
                                    

UNO'S POV

"DITO ka muna, ha? May kukunin lang ako sa kusina." Sabi ko kay Lauxien na nakaupo ngayon sa sofa dito sa sala habang kumakain ng cookies na kinuha ko mula kay Dos.

"Opo, papa." Sagot niya.

Napangiti na naman ako nang muli kong marinig na tawagin niya akong 'papa'.

"Okay ka lang, ate? Nahipnotismo ka yata sa kapogian ko, ate."

Napatigil ako malapit sa pinto ng kusina nang marinig ko ang boses ni Dos.

Sino ang kausap niya? Si Aries?

"Ang hangin pa rin, a." Rinig ko ang boses ni Aries.

Si Aries nga. Close na close sila?

Narinig ko ang tawa ni Dos. "Biro lang, ate." Tss. "Bakit nga pala nandito ka, ate? Okay na ba kayo ni kuya? Bakit siya tinawag na papa n'ong bata, ate? Anak niyo ba 'yon, ate?" Sunod-sunod niyang tanong.

Anak ko nga ba talaga siya? Sana. Napapikit ako dahil sa naisip ko.

"Grabe sa dami ng tanong, Dos."

Nakita kong napakamot si Dos sa kaniyang batok. "Mas magandang sagutin mo na lang lahat ng tanong ko, ate."

"Bakit nandito ako?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. "Bakit nandito ako? Well, magbakasyon daw muna kami dito sa binili kuno ni papa na vacation house kaso ang kuya mo naman pala ang bumili." Napangisi ako. Narinig ko ang tawa ni Dos. "Okay na ba kami ng kuya mo? Hindi pa." Magiging maayos rin tayo, Aries. "Bakit siya tinawag ni Lauxien na papa? Dahil anak namin siya." Natigilan ako sa huling sinabi niya.

A-Anak talaga namin si Lauxien?

"Seryoso, ate?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dos. Makulit rin ang isang 'to.

"Ngunit hindi pa niya alam..." Ngayon alam ko na.

"Kung ganoon, bakit sinabi niyang may anak na siya, ate?" Iba talaga kapag tsismoso, lahat natatanong.

"Baka anak nila ni Lucy." Sa isiping magsisiping kami ni Lucy kinikilabutan na ako kaya imposible 'yang paratang mo.

"Hindi, ate... hindi buntis si Lucy. Matagal na silang hiwalay ni kuya." Nice one, Dos.

"E, ano?"

"Hindi kaya ang anak niyo ang tinutukoy niya, ate?" Ngayon mo lang napagtanto. Abnormal. "Kung hindi mo pa nasasabi sa kaniya, ate... may posibilidad na may hinala na siya. Hindi maiiwasan ang makaramdam ng lukso ng dugo, ate. Kamukhang-kamukha rin ni kuya 'yong anak niyo noong bata pa lang siya, ate. Sa pagtawag ng bata kay kuya na 'papa' at hindi kumontra si kuya, maniwala ka, ate, may alam na 'yon." Hindi lang 'may alam' kung hindi 'alam na alam'.

"Mas mabuti pang kausapin mo na siya, ate. Kailangan niyo nang ayusin ang pamilya niyo at maging buo ulit. Kahit papaano ay asawa ka pa rin ni kuya, ate."

"Matagal na kaming hiwalay, Dos. Pinirmahan ko 'yong divorce papers noon bago ako umalis ng bansa."

"Nang makita 'yon ni kuya, pinunit-punit niya bago niya itinapon sa basurahan. Hinanap ka niya, ate. Sising-sisi siya sa mga ginawa niya. Ilang P.I na ang kinuha niya para mahanap ka kaagad pero wala siyang napala. Sa tingin ko ay may sumasabotahe sa plano niya, ate." Napakuyom ang palad ko nang muling maalala ang pagkatanga ng mga P.I na kinuha ko. Sayang ang mga ibinayad ko sa mga iyon.

His Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon