ARIES' POV
DALAWANG araw na simula nang nagpunta dito sa bahay si Uno, hindi na siya muling bumalik pa. So, umaasa kang babalik pa siya? Napailing na lamang ako dahil sa tanong ng isang bahagi ng isip ko.
"Anak, talaga bang ikaw muna ang papalit ngayon sa papa mo?" Tanong ni mama.
"Oo naman, ma. Kaya nga pinagpahinga ko muna si papa para ako muna ang pumalit sa kaniya bilang CEO." Sagot ko.
May kompanya rin kasi kami dito sa Pilipinas na pinamamahalaan ni papa. Ipinamahala lamang ito ni papa pansamantala sa pinsan niyang si tito Luke simula nang mag-migrate kami sa U.S. Pero dahil bumalik rin kami kaagad dito sa Pilipinas ay si papa na muli ang namamahala ng kompanya.
"Kaya mo na ba, anak?" Tanong niya ulit, inaayos ang hindi naman magulong office attire ko. Ganyan talaga si mama kapag hindi mapakali, inaayos ang mga maayos naman na.
"Ma, nakaya ko ngang pamahalaan 'yong kakasimula ko palang na business sa U.S. Ito pa kayang ipapamahala rin sa'kin ni papa pagdating ng araw?" Pagpapaintindi ko.
"Oo nga naman, mahal. Hayaan mo na ang anak natin. Nandito naman ako at si Cyrus para gabayan siya sakaling hindi niya gamay ang kompanya." Sabi ni papa na kakababa lamang sa hagdan. Bagong gising ito at gulo-gulo pa ang buhok.
"O siya, wala naman na akong magagawa. Basta mag-iingat ka, ha?" Habilin pa niya.
"Opo, ma. Alis na po ako, ma, pa." Nakipag-beso pa ako sa kanila ni papa bago ako lumabas ng bahay.
Nakita ko si Cyrus na nakahilig sa hood ng sasakyan. "Let's go?" tanong niya nang makita ako.
Tumango naman ako. "Where's Lauxien, Cy?" Tanong ko nang hindi ko makitang kasama niya si Lauxien.
Binuksan niya ang pinto sa passenger seat. "Nasa backseat, nag-ta-tablet."
Pumasok naman ako sa passenger seat at nag-seat belt. Nakita ko nga ang anak kong prenteng nakaupo sa back seat, naka-seat belt na ito habang nag-ta-tablet. "Hey, sweetie." Bati ko rito.
Napailing na lamang ako nang tinanguan lamang ako nito habang nakatutok parin ang mga mata nito sa hawak na tablet.
Nang makapasok si Cy sa driver seat ay minaniobra na niya ang kotse paalis.
"LUNCH tayo mamaya? Sunduin ka namin." Sabi ni Cy.
Nakaupo na ako ngayon sa swivel chair habang nagpipirma ng mga papers. "Sure." Maikling sagot ko, hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya dahil nakatutok ang paningin ko sa pinipirmahan ko. "Diretso na ba kayo sa bahay?" Tanong ko.
"Yup. Tawagan na lang kita mamaya o ikaw na ang tatawag?" Tanong niya.
"Ako na lang ang tatawag." Sagot ko.
"Sige, alis na kami." Tumango lang ako. "Son, let's go."
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto, senyales na lumabas na sila ng opisina ni papa.
Tok! Tok! Tok!
"Come in!" Pasigaw na utos ko para marinig ng kumakatok.
"Ma'am, papapirmahan ko lang po sana 'to." Narinig ko ang boses ni Chelsea, ang secretary ni papa na magiging secretary ko pansamantala.
"Kailangan na ba 'yan ngayon?" Tanong ko, patuloy pa rin sa pagpipirma.
"Opo, ma'am." Narinig ko ang tunog ng takong nito nang maglakad ito palapit sa kinaroroonan ko.
Pinirmahan ko naman ito agad pagkatapos kong mabasa. "May meeting ba ako ngayon?" Maya-maya'y tanong ko nang mapirmahan ko ang pinapapirmahan nito.
"Wala naman po, ma'am."
"Here." Inabot ko sa kaniya ang papers na tapos ko nang pirmahan
"Salamat, ma'am Aries." Tinanguan ko lamang ito at muling ibinalik ang atensiyon ko sa ginagawa ko.
LUNCH na nang matapos ako kaya tinawagan ko si Cy.
"Hello, Cy."
"[Tapos ka na ba?]" Tanong niya mula sa kabilang linya.
"Nasaan na ba kayo?" Tanong ko pabalik.
"[Nandito na kami sa lobby...]" Sagot niya. "[Aakyat pa ba kami diyan o hintayin ka na namin dito?]" Tanong niya.
"Hintayin niyo na lang ako diyan, pababa na ako." Sagot ko.
Pinatay ko na ang tawag at lumabas na ng opisina.
"Chelsea, mag-lunch ka na muna." Sabi ko sa sekretarya nang makitang nakatutok pa rin ito sa harap ng computer.
Tumingin naman ito sa akin bago tiningnan ang sariling wrist watch. "Lunch na pala..." Mahinang bulong nito sa sarili na narinig ko naman. Tumingin ulit ito sa'kin 'saka ngumiti. "Yes, ma'am. Happy lunch po."
Tinanguan ko lamang ito at dumiretso na sa elevator at sumakay. Nang bumukas ang elevator ay lumabas na ako, nakita ko si Cyrus na nakatayo katabi si Lauxien. Lumapit na ako sa kinaroroonan nila. "Saan tayo?" Tanong ko.
"Nagpareserve na ako sa isang restaurant malapit dito."
Tinanguan ko naman ito. "Sige. Puwede ba 'yong lakarin?" Tanong ko.
"Yup. Gusto mo bang maglakad na lang tayo papunta ro'n? 5 minutes lang naman."
"Sure."
Sabay kaming lumabas ng building at naglakad papunta sa restaurant na tinutukoy niya. Totoo nga ang sinabi niya, maaari itong lakarin.
"Good noon, ma'am and sir." Bati sa 'min ng sumalubong sa 'min--- sa tingin ko ay manager ng naturang restaurant--- pagkapasok namin sa loob. "Do you have any reservation, ma'am and sir?" Tanong nito.
"Yes. Under my name, Cyrus Mendez." Sagot ni Cyrus.
"This way, ma'am and sir." Iginiya niya kami sa mesang malapit sa bintana na tanaw ang magandang tanawin. "Please wait for the waiter to get your order, ma'am and sir." Sabi nito nang makaupo kami.
Tinanguan lamang namin ito bago ito umalis.
Maya-maya pa'y dumating na ang waiter kaya umorder na kami. Umalis rin ito kaagad nang makuha nito ang order namin.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang order namin.
"Mama, naiihi po ako." Sabi ni Lauxien.
"Samahan na kita, son, naiihi rin ako." Sabi ni Cyrus. "Miss, saan ang cr dito?" Tanong niya sa waitress na inilalapag ang mga inorder namin sa ibabaw ng mesa.
"Diretsuhin niyo lang po 'yang hallway na 'yan tsaka kayo lumiko pakanan. Hindi naman po kayo mawawala dahil isang way lang naman po 'yon." Turo nito sa bandang likuran ko.
"Salamat, miss." Tumingin si Cyrus sa 'kin. "Sa cr lang kami." Paalam niya tsaka niya binuhat si Lauxien. Tinanguan ko naman siya at ibinalik ko ang paningin sa magandang tanawin sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
His Battered Wife
RomanceAries Gomez-Santillan is the wife of Uno Santillan, CEO of Santillan Corporation. Wala siyang pakialam kung maging martyr at desperada man siya. Handa siyang sumugal kahit alam niyang sa una palang talo na siya. She loves him more than herself kaya...