Chapter 4

9.5K 190 0
                                    

UNO'S POV

"KANINA ka pa namin hinahanap, son." Narinig kong sabi ulit n'ong lalaki.

Nakatayo lang ako hindi kalayuan sa kanila kaya naririnig ko ang usapan nila. Nakatitig ako kay Aries dahil hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa harapan ko at nakikita ko pa siya nang malapitan.

"Hinabol ko lang po 'yong mama, papa, kasi po nahulog niya po 'yong wallet niya." Sabi ng bata.

"Sinong mama, sweetie?" Tanong ni Aries. Alam kong panatag na ang loob nito dahil nakita na nito ang anak.

Nagpalinga-linga ang bata--- nang magtama ang paningin naming dalawa ay ngumiti ito na ikinatuwa ng loob ko. "Siya po." Nakita kong tumingin sa gawi ko si Aries at nakita ko kung paano lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Nagulat rin akong muli kang makita, Aries.

Nakita kong umawang ang mga labi niya ngunit walang lumabas na salita mula rito.

"Mama, okay ka lang po?" Rinig kong tanong ng bata.

"A-Ah..." Binuhat ni Aries ang bata bago tumingin sa katabi niyang lalaki. Napatingin naman ako sa katabi niya, nakakunot-noo ito habang nakatingin sa'kin.

Problema nito?! Tch!

Lumipat ang paningin nito kay Aries tsaka tumango, siguro ay may ibinulong rito si Aries. Kinuha nito ang bata mula kay Aries tsaka nito inakbayan si Aries at iginiya paalis. Naglakad sila palampas sa 'kin kaya tinawag ko ang pangalan ni Aries.

Napatigil sila sa paglalakad ngunit walang lumingon sa 'kin.

"Can we talk?" Lakas-loob na tanong ko. Sana pumayag ka. May gusto lang akong kompirmahin. Ngunit nanlumo ako nang marinig ang sagot niya.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan." Kalmadong sagot niya.

Walang lingon-likod na nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Susundan ko na sana sila ng marinig ko ang boses ni Lucy.

"Baby, ang tagal mo naman, e. Let's go na." Maarteng sabi nito at iniangkla ang braso nito sa braso ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang hayaan ang braso nito na nakaangkla sa braso ko. Hindi pa rin matanggal sa isip ko si Aries lalo na ang bata. Bakit pakiramdam ko anak ko siya?

ARIES' POV

"ARE you okay?" Rinig kong tanong ni Cyrus nang maipasok niya sa loob ng kotse si Lauxien--- sa mismong back seat bago siya pumunta sa harapan ko nang maisara niya ang pinto ng kotse. "Hey, why are you crying?"

Napatingin ako kay Cyrus, pinupunasan ang luha kong hindi ko manlang namalayang namalisbis na pala pababa sa pisngi ko. "W-Wala."

"Siya ba?" Tanong niya.

"Ang ano?" Balik tanong ko.

"Alam mo na 'yon." Tumango ako. "Bakit hindi mo sinabi? Kanina ko pa sana siya nasuntok."

"Alam mo namang ayoko ng gulo, e..." Napayuko ako. "At ayokong malaman niya ang totoo." Dagdag ko.

His Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon