Chapter 3

9.5K 216 0
                                    

UNO'S POV

"BABY, punta tayo sa mall, please." Pangungulit ni Lucy.

Kahit wala na kami ay palagi siyang pumupunta rito sa bahay para lamang kulitin ako.

"Busy ako, Lucy." malamig na sabi ko.

Nandito kami ngayon sa sala ng bahay ko, nakaupo ako sa mahabang sofa habang nakaharap sa laptop ko, chinecheck kung may hindi ba ako na-open na email sa mga nakaraang araw.

Umupo si Lucy sa tabi ko at inilayo sa 'kin ang laptop kaya nabaling ang paningin ko sa kaniya. "Please, pagbigyan mo na ako." Nakangusong sabi niya, nagpapaawa.

Pwe, hindi bagay.

"Fine." Napipilitang pagpayag ko.

"Yehey! Thank you, baby."

Akmang hahalikan niya ako sa labi nang tumayo ako para lumayo sa kaniya. Sana kanina mo pa ginawa, Uno. "Magpapalit lang ako ng damit." Kinuha ko ang laptop na nakapatong sa maliit na lamesa at walang lingon-likod na umakyat sa taas.

"BABY, bagay ba sa'kin?" Tanong niya na ipinapakita ang mga damit na nakikita niya. Nandito kami ngayon sa loob ng boutique kung sa'n namimili siya ng mga bibilhin niyang mga damit niya kuno. Puno na ang bahay nila ng mga damit niya, kailangan pa bang dagdagan? Tss.

"Yeah." Maikling sagot ko.

Mas bagay pa 'yan kay Aries.

Lihim akong napailing dahil sa sumagi sa isip ko.

"Ito?"

"Maganda?"

"This?"

Puro tango lang ang sagot ko. Wala talaga akong gana sa mga ganito. Kung si Aries lang sana ang kasama ko. Ang gago ko kasi para saktan at pakawalan pa siya.

"Last na, baby. Bagay ba 'to sa'kin?" Tanong niya, ipinapakita ang mahabang gown na kulay pula.

No. Baka kay Aries pwede pa. "Yeah."

Nakita kong ngumuso siya. "Kahit naman yata hindi bagay sa'kin, oo ka ng oo." Nagtatampong sabi niya.

Gross.

Buti alam mo. "Nah, it's suits you. Beautiful."

Pwe!

Tandaan mo, Uno, babae pa rin 'yan. Sabi ng konsensya ko.

"Yehey! Thank you, baby. Tara, bayaran na natin 'to."

Nang matapos niyang bayaran ang mga pinamili niya ay lumabas na kami ng boutique.

"Mama! Mama!"

Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang humila sa pantalon ko.

ARIES' POV

"Ano ang gusto mong laruan, son?" Tanong ni Cyrus kay Lauxien na naka-kapit sa kamay niya.

Nandito kami ngayon sa mall, ipinasyal namin si Lauxien tulad nang napag-usapan namin kahapon sa pool.

His Battered WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon