UNO'S POV
ISANG hakbang na lang bago ako tuluyang makababa ng hagdan nang salubungin ako ni Annie, isa sa katulong na ipinadala ko rito. "Sir Uno, nandito na po sina ma'am Susan."
"Ganoon ba?" Tuluyan na akong bumaba. "Nasaan sila?"
Sumabay siya sa'kin sa paglalakad. "Nasa labas pa po sila, sir."
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya dahilan para mapatigil rin siya sa paglalakad. "Bakit hindi niyo pa pinapasok?" Seryosong tanong ko.
Napayuko siya. "E-E, sir..."
"Yeah?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ko.
"T-Tinatamad daw p-po silang pu-pumasok, sir." utal-utal na sagot niya.
Napanganga naman ako. What the hell?
Walang lingon-likod akong naglakad palabas ng bahay. Nakita ko sina mommy na nagpapalinga-linga sa paligid, namamangha dahil sa ganda ng paligid.
"Mom, dad, bakit hindi pa kayo pumasok?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila.
Sabay silang tumingin sa'kin. "Tinatamad kami." Sabay rin nilang sagot.
Natigilan ako. May pinagmanahan nga talaga ako.
Napailing na lamang ako sa naisip. "Where's Dos, mom, dad?" Tanong ko ng hindi makita ang kapatid ko.
"Nandoon sa loob ng van," Turo ni mommy sa van na nakaparada sa tabi ng van na sinakyan nila tito Leo. "puntahan mo na lang, anak."
Tumango ako. "Pumasok na kayo, mom, dad, para naman makapagpahinga kayo." sabi ko bago ako naglakad palapit sa van.
Nang makalapit ako ay binuksan ko ang pinto sa passenger seat. Bumungad sa'kin ang kapatid kong kumakain na naman. "Gotcha!"
Napatalon pa ito dahil sa gulat at napalingon sa 'kin. "K-Kuya..." napahawak pa ito sa sariling dibdib.
"Kaya naman pala hindi ka pa bumababa dahil sinosolo mo 'yang pagkain..." Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Hindi ka naman tumataba."
"Grabe ka naman mang-RT, kuya." Nagtatampong sabi niya kuno.
"Ano na namang RT 'yan?" Pinagkunotan ko siya ng noo, naguguluhan.
"RT means realtalk, kuya. Dzuh." Maarteng sabi niya.
Bakla pa yata 'tong tukmol na 'to.
"Maka-dzu--- pwe. Bumaba ka na nga diyan." Inagaw ko ang hawak-hawak niyang tupperware na may lamang cookies at nagsimula nang maglakad palayo.
"Kuya, naman! Akin na 'yang cookies!" Rinig kong sigaw niya.
"Dadamutan mo pa ang anak ko!" Napangiti naman ako dahil sa pagbanggit ko ng 'anak ko'.
Sounds great.
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng van.
"May anak ka na, kuya?"
Napatalon pa ako sa gulat at tumingin sa kaniya ng masama. "Bakit ka ba nanggugulat?"
"May anak ka na, kuya?" Ulit niya sa tanong niya, binalewala ang masamang tingin ko sa kaniya.
"Oo, meron na." Napangiti na naman ako nang maalala si Lauxien. Anak ko talaga siya. 'Yon ang nararamdaman ko.
"Nabuntis mo si Lucy, kuya?" Nahimigan ko ang gulat at pagkadismaya sa boses niya.
Hindi ko na nakita sina mommy at daddy sa kinatatayuan nila kanina.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay.
"Hoy, kuya!"
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papuntang kusina, dala parin ang tupperware na may lamang cookies.
Pagpasok ko ay nakita ko si Lauxien kaya napatigil ako sa paglalakad, nakaupo siya sa isang silya habang kumakain katabi niya si Aries.
"Hoy, kuya, bakit ba nang-iiwan k--- ate Aries?!"
Nakita kong sabay na napalingon sa 'min ang mag-ina.
"Papa!"
"Dos?"
Bumaba si Lauxien sa silyang kinauupuan at tumakbo palapit sa 'kin para yumakap. "Papa..."
Nangilid ang luha ko nang tawagin niya akong 'papa'.
ARIES' POV
NANIGAS ako sa kinauupuan ko nang marinig kong tawagin ni Lauxien si Uno ng 'papa'.
Shit! What should I do? Sasabihin ko na ba ang totoo?
"Earth to ate Aries."
Nabalik ako sa ulirat nang may yumugyog sa balikat ko. Nakita kong nasa harapan ko na si Dos. "Okay ka lang, ate? Nahipnotismo ka yata sa kapogian ko, ate."
Napanganga ako dahil sa huling sinabi niya. "Ang hangin pa rin, a."
Natawa siya dahil sa sinabi ko. "Biro lang, ate." umupo siya sa iniwang upuan ni Lauxien. "Bakit nga pala nandito ka, ate? Okay na ba kayo ni kuya? Bakit siya tinawag na papa n'ong bata, ate? Anak niyo ba 'yon, ate?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Grabe sa dami ng tanong, Dos." Ipinalibot ko ang tingin sa kabuuan ng kusina, nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko makita sina Uno at Lauxien.
Nakita kong napakamot siya sa kaniyang batok. "Mas magandang sagutin mo na lang lahat ng tanong ko, ate."
"Bakit nandito ako? Well, magbakasyon daw muna kami dito sa binili kuno ni papa na vacation house kaso ang kuya mo naman pala ang bumili." Napasimangot ako dahilan para matawa siya. "Okay na ba kami ng kuya mo? Hindi pa." Napabuntong hininga ako. "Bakit siya tinawag ni Lauxien na papa? Dahil anak namin siya." Nakita kong nagulat siya sa huling sinabi ko at napanganga.
"Seryoso, ate?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. "Ngunit hindi pa niya alam..." Napayuko ako.
"Kung ganoon, bakit sinabi niyang may anak na siya, ate?" Nagtatakang tanong niya.
Napatingin ako sa kaniya, nakakunot-noo. "Baka anak nila ni Lucy." Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil sa sinabi ko.
Umiling siya. "Hindi, ate... hindi buntis si Lucy. Matagal na silang hiwalay ni kuya."
"E, ano?" Nagtataka na rin ako.
"Hindi kaya ang anak niyo ang tinutukoy niya, ate?" Bigla akong kinabahan. "Kung hindi mo pa nasasabi sa kaniya, ate... may posibilidad na may hinala na siya. Hindi maiiwasan ang makaramdam ng lukso ng dugo, ate. Kamukhang-kamukha rin ni kuya 'yong anak niyo noong bata pa lang siya, ate. Sa pagtawag ng bata kay kuya na 'papa' at hindi kumontra si kuya, maniwala ka, ate, may alam na 'yon."
"Mas mabuti pang kausapin mo na siya, ate. Kailangan niyo nang ayusin ang pamilya niyo at maging buo ulit. Kahit papaano ay asawa ka pa rin ni kuya, ate." Dagdag niya na ikinakunot ng noo ko.
"Matagal na kaming hiwalay, Dos. Pinirmahan ko 'yong divorce papers noon bago ako umalis ng bansa."
Umiling si Dos. "Nang makita 'yon ni kuya, pinunit-punit niya bago niya itinapon sa basurahan. Hinanap ka niya, ate. Sising-sisi siya sa mga ginawa niya. Ilang P.I na ang kinuha niya para mahanap ka kaagad pero wala siyang napala. Sa tingin ko ay may sumasabotahe sa plano niya, ate."
BINABASA MO ANG
His Battered Wife
RomantikAries Gomez-Santillan is the wife of Uno Santillan, CEO of Santillan Corporation. Wala siyang pakialam kung maging martyr at desperada man siya. Handa siyang sumugal kahit alam niyang sa una palang talo na siya. She loves him more than herself kaya...