ARIES' POV
"WELCOME TO TAGAYTAY!!!" Sigaw ni papa nang makababa kami ng van na sinakyan namin papunta dito sa Tagaytay.
Iginala ko ang paningin sa buong paligid. "Ang ganda naman dito, papa, ang aliwalas at linis ng lugar." Sabi ko, namamangha.
"Tito, nandito na pala kayo."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon.
No! This can't be!
"Uno, hijo, buti naman nandito kana." Narinig kong sabi ni papa.
"Kararating ko lang kaninang madaling araw, tito..." sabi ni Uno.
Oo, si Uno. Ano ang ginagawa niya dito?
"Pasok na kayo, tito, hayaan niyo nang ang mga katulong ang magpasok ng mga bagahe niyo."
"O siya, tara na para makapagpahinga na muna tayo." Sabi ni papa. "Salamat nga pala sa pagpapatuloy mo rito sa'min, hijo."
Do'n nagpanting ang tenga ko. Akala ko ba sa 'min 'to?
"Walang anuman 'yon, tito, tsaka sa in---"
"Pa, akala ko ba binili mo 'tong vacation house na 'to." Baling ko kay papa.
Nakita ko kung paano siya mapangiwi. "Ang totoo niyan, anak..." Tumingin si papa kay Uno bago sa 'kin. "si Uno ang bumili nito. Sinabihan niya akong mag-bakasyon naman tayo dito sa vacation house na binili niya."
Narinig ko ang tikhim ni Uno kaya sa kaniya nabaling ang tingin ko, nagulat pa ako nang makitang titig na titig siya sa 'kin. "Ako ang bumili ng vacation house na 'to matagal na..."
Napakunot-noo ako.
UNO'S POV
NAKITA ko ang pagkunot-noo niya pero hindi ko na itinuloy pa ang sinasabi ko.
Iginiya ko sila papasok ng bahay. Nakita ko pa ang lalaking kasama nina Aries noon sa mall na napag-alaman kong nag-iisang pinsan pala ni Aries.
"Mama, 'di ba po siya ang papa ko?" Narinig kong tanong ni Lauxien.
"Paano mo naman nasabi 'yan, anak?" Nagtatakang tanong ni Aries.
"Pareho po kaming guwapo, mama."
Tama tama. HAHAHA.
Palihim akong napahagikhik.
"Hindi mo 'yan papa, anak." Narinig kong sabi ni Aries.
"Bakit kasi hindi mo na lang aminin na anak ko siya?" Baling ko kay Aries na inirapan lang ako. "Baka gusto mong magpa-DNA test pa kami." Panghahamon ko.
"Mag-uusap tayo mamaya." Matalim ang tingin niya sa 'kin.
"Sure." Nangingiting sabi ko.
Tumingin ako sa mga kasama namin. "Nasa second floor lahat ng kuwarto, mamili na lang kayo ng uukupahin niyo." Sabi ko.
"Ilan ba ang kuwarto dito, hijo?" tanong ni tita Faye na kanina pa hindi umiimik, namangha rin sa paligid.
"Lima, tita..." Sagot ko. "Sa kuwarto ko matutulog sina Aries at Lauxie---"
"What?!" Hysterical na tanong ni Aries. "Hindi, sa kabilang kuwarto kami." Kontra niya. As if namang papayagan ko kayo.
"Sa kuwarto ko lang ang available na kuwarto..."
"May dalawang kuwarto pa ang hindi nauukupa kaya d---"
"On the way na sina mama..." Putol ko sa sinasabi niya. "Uukupahin nina mama at papa 'yong isang kuwarto, habang 'yong isang natitira ay uukupahin naman ng kapatid ko... so, sa kuwarto ko kayo matutulog."
"No way!"
"Yes way." Nakangising sabi ko.
"Hiwalay na tayo, Uno, at tsaka hindi naman tayo nag-tatabi sa iisang kama, a."
"Hindi pa naman tayo hiwalay, a."
"Anong hindi?! Pinirmahan ko na 'yong di---"
"Itinapon ko."
"What?! Bakit mo ginawa 'yon?!" Sigaw na tanong niya.
"Anak, hinaan mo naman 'yang boses mo..." Narinig kong suway ni tito Leo. "Magpapahinga na muna kami sa itaas, kukunin na muna namin si Lauxien."
"Sige, tito, mag-uusap muna kami ni Aries ayaw yatang magpahinga, e."
Narinig ko pa ang pagtawa nila tito Leo bago sila umakyat sa itaas.
"What now? Answer my question, Uno." Malumanay na ang boses niya.
"Tinamad akong ipa-anull kaya itinapon ko na lang." Palusot ko.
Nang makita ko ang divorce papers na may pirma na niya ay itinapon ko rin ito sa basurahan. Napagtanto ko noon na hindi ko pala kaya kung apelyido ng iba ang gagamitin niya.
"Bakit mo ginawa 'yon?"
Kumibit-balikat. "I told you, tinamad ako."
"Hindi ako naniniwala sa'yo." Inismiran niya ako.
"E, di huwag kang maniwala..." Lumapit ako sa kaniya at bigla ko siyang binuhat na parang bigas tsaka nagsimula nang maglakad paakyat ng hagdan.
"Hoy, ano ba?! Ibaba mo ako!" Pinaghahampas niya ang likuran ko ngunit ininda ko ang sakit ng mga hampas niya.
Pinalo ko ang pang-upo niya. "Manahimik ka!"
"Did you just slapped my butt?" Nahimigan ko ang gulat sa tono niya.
"Yeah. I did." Maikling sagot ko, nakangisi. "Kaya manahimik ka na."
"Ibaba mo na kasi ako." Pinaghahampas na naman niya ang likuran ko.
"Na-ah."
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya.
"Sa kuwarto ko, na magiging kuwarto na natin."
"Rape! Rape!" Sigaw na naman niya.
Pinalo ko ulit ang pang-upo niya. "Manahimik ka, nakakaistorbo ka sa mga nagpapahinga na." Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ko at pumasok. Inihagis ko siya sa kama at kinubabawan.
"Gago ka, pasalamat ka at malaki 'tong kama mo hindi ako nahulog."
Napangisi ako. "Alangan namang ihagis kita sa maliit na kama. E, di nahulog ka." Sabi ko, bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. "Sasaluhin naman kung sakaling mangyari 'yon." Ibinalik ko ang tingin sa mga mata niya.
"Mas mabuti nang mahulog ako sa sahig kaysa naman mahulog sa tulad mong gago." Itinutulak niya ako ngunit dahil malakas ako ay hindi siya nagwagi.
"Rape! Rape!" Maya-maya'y sigaw na naman niya.
"Walang makakarinig sa'yo dahil sound proof 'tong kuwarto ko..." Tumitig ako sa mga mata niya. "at isa pa, hindi ako rapist. Ang gwapo ko namang rapist kung sakali man." Kinindatan ko siya at tumayo na. "Magpahinga ka na diyan."
Walang lingon-likod akong lumabas ng kuwarto nang nakangisi. Mababawi rin kita. Babawi pa ako sa mga pagkukulang ko bilang asawa mo. Ipaparanas ko pa sa 'yo kung ano ba talaga ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang asawa. Makakasama pa kita ng matagal kaya sana huwag ka nang magmatigas.
"Ano'ng plano mo?" Bumaling ang paningin ko kay Cyrus na nasa tapat ng nilabasan nitong kuwarto malapit sa kuwarto ko.
"Hindi ko pa alam sa ngayon. Ngunit isa lang ang gusto ko, ang bumalik sa 'kin ang asawa ko. Para na rin makasama ang anak ko. Gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko sa mahigit limang taon. Gusto kong bigyan si Lauxien ng buo at masayang pamilya."
BINABASA MO ANG
His Battered Wife
RomanceAries Gomez-Santillan is the wife of Uno Santillan, CEO of Santillan Corporation. Wala siyang pakialam kung maging martyr at desperada man siya. Handa siyang sumugal kahit alam niyang sa una palang talo na siya. She loves him more than herself kaya...