Chapter 2: Who sent you here?

8 3 0
                                    

Di ko na inisip kung sino ang samaritan na iyon kaya uminom na lang ako habang ang mga gaga nagsasayaw na sa dance floor. Napasampal na lang ako sa noo at umiling.


Mga lasing na, subukan lang nila sukahan ako at ang loob ng kotse iiwanan ko talaga dito. Tumayo ako saka tamad na pumunta sa kanila kaya lang napahinto ako sa nakita ko.


I smirked. Nilapitan ko na lang sila Zia at Cole sa dance floor saka sila hinawakan sa braso at hinila papunta sa upuan. They're drunk.


"Sabihin nyo lang kung gusto nyo na umuwi and remember don't.ever.puke. or else isa isa ko kayong pagtatadyakan palabas ng sasakyan nang maiwan kayo dito." Pagbabanta ko na may diin.


Sumandal lang sila sa upuan at parang pagod na pumikit pero sandali lang iyon. Bumalik na ren sa kinauupuan naming lahat si Karl at tumabi kay Zia.


"So okay na kayo?" Tanong ko. Umiwas lang siya ng tingin.


"N-nag-sorry naman s-siya eh at n-nag sisisi na" nauutal na sagot niya. Napangisi ako at napailing.


"Ang tanga, bow! Marupok ka ren pala" natatawang asar ko sa kaniya. Nag iwas siya ng tingin habang kinukuha ang four season niya saka ininom.


"Tara na nga may umiiyak na, mamaya gawin akong punching bag nyan" sabi ko at tiningnan yung bruha. Si Colengleng


"Gagu u?naka move on na ko subukan niya lang magpakita ule saken?iba kalalagayan niya" sagot niya. Napailing na lang ako at tumayo na.


Bahala sila dyan inaantok na ko may pasok pa kami bukas tangna. Ayokong makipag sabakan ng lasing it feels like hell.


Napapadyak naman si Zia bago tumayo ininom niya yung last beer. Si Karl naman parang antok na walang ganang tumayo. Si Cole naman tinungga na yung four season at tumayo na ren habang pinupunasan yung luha niya.


Lumabas na ko kasunod ko ang tatlo saka tinap ang balikat ng bouncer. Tumango naman ito. Papasok palang kami ng sasakyan ng maramdaman kong may sumusunod samen mula pa kanina.


Handa na kong kunin ang lipstick knife ko ng mapansing wala na si Cole taka kong tinignan ang dalawa kaya tumingin sila sa likod ko.


What the fuck?


Sinusuntok na ni Cole yung lalaki sa sobrang kalasingan na ren ginawa niyang punching bag si kuya. Kawawa ka naman pero bago pa niya mapuruhan nilapitan na namen, sila namang awat kay Cole habang hinahatak nila sa braso si Cole, nagsquat ako saka tinignan ang lalaki.


"Who the freak paid you and sent you here just to follow us?" Maawtoridad na sabi ko. Kita ko ang takot sa mga mata niya.


"W-wala" sagot niya. Bigla siyang sinugod ni Cole para suntukin kaya hinayaan ko.

The Innocently Dangerous. (Agent Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon