Nakarating ako ng condo ni Cole. Sinalubong ako ni Cole. Puro tanong at sermon siya, tinaas niya pa ang tshirt ko para makita ang sugat ko. Nagulat naman siya.
"Sino gumamot sayo? Wala kang kasama kanina ah? Ayaw na ayaw mo ren magpadala sa hospital" saad niya saka niya ko tinaasan ng kilay.
"Wala ka na don! Magpahinga lang ako saglit saka ako sisibat" maangas na sagot ko. Naglakad ako papunta sa sofa niya. Sinundan niya ko gamit mata. Inihiga ko na lang ang sarili ko sa sofa.
"Alam mo bang nagwawala yung sesex na yun dahil di ka bumalik?" Kwento niya. Natawa naman ako bigla. Tinignan niya ko ng matalim.
"Tanga! Xerxes yun. Obserbahan nyo rin yang si kumag baka mamaya patibong lang pala satin yan ng Dante Gulapa's Org este Higante Organisasyon" natatawang saad ko. Tumawa naman si Cole.
"Bat ba higante? Di'ba pwedeng Dante Gulapa na lang?" Natatawa reng saad niya. May pa palo palo tuhod pa siya habang tumatawa. Ako naman nakatingin lang sa kaniya ng seryoso.
"Di na nakakatawa. Magpapahinga na ko, chupe!" Saad ko saka pumikit. Naramdaman ko namang paalis na siya. "Bantayan nyo ng maigi sila Mayor" dagdag ko at tuluyan ng nakatulog.
......
"Oy uwagan! Gising andyan si sesex este Xerxes sa labas" saad ni Cole habang inuuga ako.
Didilat na sana ako ng malaman kong si Xerxes pala ang naghahanap sakin, pinag patuloy ko lang ang pag tulog ko kahit na gising na ang diwa ko.
Nag kunwari akong tulog kahit gising na talaga ako, ayoko lang idilat ang mata ko.
"Tangina!" Napabalikwas ako ng magmura si Cole.
Napatingin naman agad siya sakin na may pag aakusa tila alam na niyang nag kukunwari lang akong tulog kanina.
"Puta! Ano ba?! Natutulog yung tao oh?" Bulyaw ko sa kaniya. Nakacross arms lang siya habang nakatingin sakin ng seryoso.
"Nag-wawala nga yung prinsipe ng dante gulapa's group" pagpapaliwanag niya. Napahawak ako sa sintido ko sa inis kaya napagpasyahan kong tumayo at harapin si kumag.
"Make sense, Cole. Dapat sinabi mo tulog o nagpapahinga" mahinang bulyaw ko. She just shrugged.
Lumapit na ko sa pintuan para pagbuksan si kumag. Nakakunot ang noo niya saka siya tumingin sa tagiliran ko, balak niyang itaas ang tshirt ko pero agad ko itong pinigilan.
"Anong kailangan mo?" Tanong ko dito. Sumandal naman ako sa pintuan.
"Don't you want me to enter first? Because girls would freak out ifー" pilyong saad niya pero hinila ko kagad ang kwelyo niya papasok kaya di na niya natapos ang sasabihin niya saka ko sinarado ang pintuan. Lakas ng hangin bigla eh jusko.
BINABASA MO ANG
The Innocently Dangerous. (Agent Series #1)
ActionWhat will you do for the sake of love, family and friendship? Can you betray them? Fight for them ? Or worse will you kill them for your own desire?