Natagpuan kaming tumatawa ni Hansel ng mga gaga.
"Tangina! Wag mo pindutin alarm tracker naten kung di naman pala emergency" galit na bulyaw saken ni Cole.
[Alarm tracker ang lagi namen dala instead mga high tech gadgets na ginawa ni Zia. Alarm tracker is a gadget that can track our location if one of us don't know where the person is located. An alarm, meaning that we need help too. Just push the button then the gadget that we all have will definitely ring and vibrate. Once you push the button your location appears with the text of 'Enemy Alert']
Tumingin ako sa kanilang tatlo saka naman ako tinapik sa balikat ni Hansel. Kinindatan niya ko pati si Zia bago umalis.
"washafuck! Ano ni-say niya sayo? He's so landi talaga duuh, eww yuck pwe" nandidiring saad niya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hawak ng isang kamay ko ang helmet na parang bola. Nakadikit pa ito sa aking bewang.
"anong oras na?" Tanong ko sa kanila.
"10:30" Sagot naman ni Karl. Tinanguan ko naman siya. Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok sa isip ko ang pagpunta dapat kanila Ethan.
Napasapo ako sa ulo ko at nagmamadaling sumakay sa motor ko.
"Labo mo! San ka na naman pupunta?" Inis na saad saken ni Cole.
"See you around" saad ko sabay lagay ng helmet at pinaharurot ang motor patungo sa bahay nila Ethan.
Pagkarating ko sa gate nila. Nagdoor bell agad ako.
Pinagbuksan ako ng kasambahay nila.
"sorry manang ah? nalate ako may pinuntahan pa ko eh." saad ko saka ko ito nginitian.
"okay lang po mam, pasok po kayo mam" saad nito. Gumilid ito para makapasok at makadaan ako.
"Nasaan po ba si Ethan? Ano po bang nangyare?" Tanong ko. Yumuko lang ito tila walang alam sa nangyare.
"B-basta mam bigla na l-lang po s-siya nag kulong sa kwarto niya" tumango lang ako dito.
Umakyat ako. Kumatok ako sa kwarto ni Ethan.
"Hey, it's me" malumanay na saad ko habang kumakatok.
Pinagbuksan niya ko. Tinignan ko muna ang kasambahay nilang nasa likod ko at sinenyasan na iwan muna kami at ako na bahala.
Naramdaman ko na lang na bumalik siya sa kama at umupo don. Pumasok ako saka sinarado ang pinto. Lumapit ako sa kaniya at tumabi.
"Don't isolate yourself here Ethan. You need to get up." Malumanay na saad ko at nginitian siya.
BINABASA MO ANG
The Innocently Dangerous. (Agent Series #1)
AksiWhat will you do for the sake of love, family and friendship? Can you betray them? Fight for them ? Or worse will you kill them for your own desire?