Pinagbuksan ako sa malaking pinto na kulay itim na gawa sa matigas at makapal na metal.
Pagpasok ko, nakita kong nakatalikod ang upuan niya saken kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha.
"What's the problem? Agent Si04?" tanong saken nito.
Mukhang wala siyang balak lumingon at humarap saken kaya di ko na hinintay pang gawin niya iyon saka ako nagsalita.
"Alarm-post for Xerxes Excalibur. I don't want him to interfere with our business" utos ko dito na parang ako ang boss.
Akmang aalis na sana ako ng magsalita siya.
"Nabalitaan kong ikaw ang nagplano sa pagkuha sa mga bata mula sa mga sindikato at isa isang binigay sa kanya kanyang magulang. You even filed a case to them" maawtoridad na saad niya saken.
"Huli ka na sa balita dahil pinaparusahan na sila" pagmamayabang ko.
"Stupida! you're not a saint nor police para gumawa ng plano at tulungan ang mga batang hawak ng sindikato" galit na saad nito saken. I clenched my fist. "Agent ka babae! Pulis ang dapat gumawa nun hindi ikaw o ang mga kasama mo" dugtong pa niya.
"Mananahimik ka ba kung sasabihin kong ang head ng pulis na si Chief Regder at si Senator Yuresco ay isa sa pinamumunuan ng sindikatong binigyan ko ng case? And i guess they deserved that." sagot ko dito. Wala ni isang sagot ang narinig ko mula sa kaniya.
Ilang sandali tatalikod na sana ako sa kaniya ng pumalakpak siya. Napangisi ako.
"I have something to discuss about Mr. Lim. Running for mayor na si Lim sa nalalapit na halalan kailangan nyo siyang protektahan mula kay Ranay" Utos niya.
"Makakaasa kayo big boss" sagot ko saka ako umalis.
Tinext ko agad ang tatlo.
To: Gaga's
Hideout. Discussion about big boss's mission for us. Exactly 7pm no late. ASAP
Bago mag ala-syete nagtungo na ko sa hideout namen.
Pagkapasok ko dito, hinanap ko agad ang computer ni zia. Umupo ako dun. Nagsimulang mag research about kay Mr. Lim.
Nahanap ko ang lahat ng impormasyon tungkol sa kaniya dahil sa tulong ng computer ni Zia.
May dalawa siyang anak na si Renzo ang kaniyang anak na lalaki at si Akira na bunsong anak na babae pero wala akong makita ni asawa ni senator. May kinikilalang ina ang dalawa na pero di ito tanggap ng dalawang anak niya walang kasiguraduhan na rason kung bakit. Pinaprint ko ito at nilagyan ng tatak sa unang papel na 'Identity Unsolve' saka ko nilagay sa malinis na folder.
BINABASA MO ANG
The Innocently Dangerous. (Agent Series #1)
ActionWhat will you do for the sake of love, family and friendship? Can you betray them? Fight for them ? Or worse will you kill them for your own desire?