Chapter 11: Follow him.

6 3 0
                                    

Pagkarating ni Hansel agad ko siyang hinila papuntang sinehan. Hila hila ko siya ng hilahin naman niya ko papuntang popcorn and drinks station.


"Bili muna tayo gutom na ko" pagmamaktol niya. Binatukan ko siya agad. Napadaing naman siya.


"Bolags! Mamaya na yan kailangan pa naten sundan yung anak ni mayor" saad ko. Napanguso naman siya. Hinila ko ule siya sa sinehan.


Bago dumating kanina si Hansel bumili na agad ako ng ticket namin para sundan ang anak ni mayor. Naikwento ren kase ni Zia na dami daw nagsasabing babaero ang anak ng mayor at laging dinadala sa mall.


Bumalik ako sa reyalidad ng makita ko ang anak ni mayor. May kasamang babae. Imbes na manood, nag hahalikan na ang mga ito.


Sinehan to hindi motel! Argh


Umupo kami sa likod para malapit sa kanila. Pagtingin ko sa katabi ko may popcorn na at drinks. Napanganga ako. Inalok niya ko pero umayaw ako. Pinapanood ko lang ang dalawa samantalang ang kasama ko tila nag eenjoy sa pinapanood.


Kumuha ako ng kaunti sa popcorn ni Hansel. Tinignan niya naman ako na may pag aakusa ngunit binalewala ko lang. Nakita kong malapit na hawakan nung anak ni mayor ang dibdib ng babaeng kasama niya. Nanlaki ang mata ko. Binato ko ang isang butil ng popcorn sa kanila para mapatigil sila. Duh di to motel get a room.


Biglang tumingin sa direksyon namin ang anak ni mayor agad ko namang hinila ang kwelyo ni Hansel at itinapat saken para akalain nilang hinahalikan ko ito.


Napangisi naman si Hansel. Malandi pa naman ito. Nang di na nakatingin sa direksyon namin ang dalawa binitawan ko na si Hansel.


"May pagnanasa ka pala saken so please let me know" natatawang bulong niya. Inirapan ko siya saka tinignan ang dalawa sa unahan namin.


Maya-maya nakita kong bumulong anak ni mayor, tumawa naman ang babae tila nagustuhan ang sinabi. Dali-dali tumayo ang dalawa habang magkahawak kamay at lumabas. Kinalabit ko si Hansel na busy sa panonood habang kumakain ng popcorn. Napasapo ako sa noo ko.


"Hoy gago! Wala na yung dalawa tara na." Bulyaw ko sa kaniya. Tumingin lang siya saken.


Una akong tumayo at lumabas na di ko na hinintay yung isa. Paglabas ko, nakita kong naghihintay anak ni mayor mukhang nag cr muna yung babaeng kasama niya. Pagkakataon ko na to para makausap siya. Nilapitan ko agad siya saka kinalabit. Lumingon siya saken, tinignan niya ko mula ulo hanggang legs. Napangisi ako. Napasipol siya ng matapos siyang eksaminin ako.


Manyak pala to eh.


"Oh hi miss do you need help? Sorry ah? May kasama kase ako pwedeng bukas na lang" mapanglanding saad niya ng hilahin ko siya kaya di niya natapos ang sasabihin niya. Hinila ko siya papunta sa isang dressing room ng store clothes. Inisandal ko siya sa pintuan habang hawak ko siya sa kwelyo.

The Innocently Dangerous. (Agent Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon