Chapter 3: He came back

8 3 0
                                    

Pagkarating namin sa school. Bumaba si Cole galing sa likod ko saka ko pinarada ang  motor ko. Ganun din sila Zia and Karl.


Tinignan ko ang oras. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Late na kami.


"Nak ng tinola! Late na tayo." Natataranta kong saad. Agad namang tumakbo sila papasok ng building, iniwan ako. Napatampal na lang ako sa noo.


Tumakbo na ren ako. Pagkapasok ko ng building, lahat ng studyante nakatingin saken na para bang pinandidirihan nila ako at naiinggit sila.


Sige tingin, mga hindot!


Nasa tapat na ko ng pinto ng room namin. Sumilip muna ako kung andyan na ang prof namin.


Wala pa ang professor, dali-dali akong pumasok at diretsong tumingin kung saan ang upuan ko habang tinatanggal ang gloves ko.


Pag upo ko nakarinig agad ako ng kung ano.


"May bagong transferee daw, at ang gwapo niya."


"Ang gwapo daw ng transferee"


"Galing Japan daw yung bago"


"Sana dito na lang siya ilagay sa klase naten"


"May hinahanap daw siyang babae"


What the freak! Kaya nakakawalang gana pumasok puro mosang nasa paligid ko.


Saktong pasok ng teacher namen.


"Okay class, quiet na. May bago kayong classmate. He's a transferee from Japan but he can understand tagalog, can speak tagalog too" pagpapakilala niya sa bago nameng kaklase. Pumalumbaba na lang ako sa lamesa saka pinaglaruan ang ballpen.


Pipikit na sana ako ng tawagin ako ng teacher namen. Napabalikwas agad ako saka tinignan si mam.


"Yes mam?" Saad ko sabay ngiti.


"Mr. Dorschner please sit beside Ms. Villa" pagkasabi ni mam napatingin ako sa transferee.


Napataas ako ng kilay saka ngumisi. Tinignan niya ko pero agad niyang iniwas habang umuupo sa katabing upuan ko.


"Bat ka pa bumalik?" bulong ko.


Makalipas ang oras. Naririnig ko ang paulet ulet na pagbuntong hininga netong kumag na to.


He leaned his chin against his palm while staring at the board. He sighed again.


The Innocently Dangerous. (Agent Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon