Chapter 9: Date.

5 3 0
                                    

"Appa!" Tawag ng isang babae. "Kajima appa! Kajima" saad ng babae habang umiiyak.
[Trans: Don't go papa! Don't go]


"J-jebal useoyo, uri ttal." saad ng lalaki. Pinanunasan niya ang luha ng babae. Pinilit nitong ngumiti kahit na nanghihina na. [Trans: Please smile, my daughter] " J-jeongmal a-areumdauseyo, u-uri t-ttal" nauutal na saad ng lalaki habang dahan dahang hinahaplos ang mukha ng babae. [Trans: You're so beautiful, my daughter]


"Andwae a-appayo. " naiiyak na saad ng babae. Niyakap niya ito. Hinaplos naman ng lalaki ang buhok nito tila pinapakalma at pinapatahan sa pag iyak. [Trans: No, Papa]


"O-ooljima, u-uri ttal y-you look l-like a duck" nauutal na asar ng lalaki. Tumawa ito ng kaunti para tumigil sa pag iyak man lang ang babae. [Trans: Don't cry, my daughter]


Tumawa naman ang babae kahit na nasasaktan ito sa sinapit ng lalaki. Huminga siya ng malalim hudyat na di na niya kaya at malalagutan na siya ng hininga.


"P-p-pigonh-hae. S-sa-sarangh-h-hae, uri t-ttal" huling saad nito saka unti unting pumikit. Niyugyog ng babae ang lalaki dahil sa pagpikit nito. Umiyak siya ng umiyak hanggang sa.


Napabalikwas ako dahil sa panaginip ko. Hingal na hingal ako na para bang napakalayo ng tinakbo ko at may humahabol saken.


Hawak ko ang leeg ko tila may sumasakal sa leeg ko at di makahinga. Natataranta akong inaabot ang cellphone ko sa side table. Kakaabot ko napindot ko ito pero di ko alam kung sino ang natawagan ko dahil bumagsak ito mula sa side table ko.


"H-h-help" nauutal na saad ko dahil di ako makahinga.


Di ko alam ang gagawin. Huminga ako ng malalim pero wala akong makuhang hangin. I need my inhaler.


After 10 minutes narinig kong bumukas ang pinto ko. Lumalabo ang paningin ko. Hawak ko pa ren ang leeg ko. Nakita kong may pumasok sa kwarto ko pero di ko na makita ang mukha dahil nanlalabo na talaga ang mata ko.


Papikit na sana ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko at binigay saken ang inhaler ko. Inilagay ko agad ito sa bunganga ko saka ko inihigop at siningot ang laman nito.


Pagkatapos kong singotin ito napapikit na ko sa pagod na naramdaman.


"hays, pigonhae appa" saad ko bago nakatulog ng tuluyan.


Pagkagising ko.


Umupo agad ako sa pagkakahiga. Napasapo ako sa noo ko. Inaalala kung anong nangyare.


May naamoy akong kakaiba. Nag ingay bigla ang butterflies ko sa loob ng tyan. Napahawak ako ako sa tyan ko.


"Gising ka na pala, tara kain"


Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.

The Innocently Dangerous. (Agent Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon