Chapter 1.1: The Scientist

35 5 5
                                    

"Let's have a short recap about our last topic. First of all what is Stoichiometry?"

Nagtaas ng kamay ang top 1 namin na si Diane at taas noong tumayo mula sa kinauupuan niyang lab chair.

"Stoichiometry is a branch of chemistry that is concerned with the relative quantities of reactants and products in chemical reactions."

Hindi naman sa bastos ako o kung ano pa man pero hindi na ako nakinig sa lecture ng Science Teacher namin. Pinagmasdan ko na lang ang mga chemistry set na nasa itaas ng whiteboard sa unahan namin.

Nakakapanghinayang lang na parang naging display na lang ang mga gamit dito sa chemistry lab imbes na magamit namin. Puro na lang kami lectures. Hindi na kami dumaan sa hands-on.

Maiintindihan ko pa sana kung public school ang pinapasukan ko ngunit hindi eh. Para saan pa na bumili sila ng mga kagamitan at ginawa ang chemistry lab kung hindi ito mapapakinabangan?

Kung sa bagay, wala naman ako sa pusisyon para magreklamo. Bayad ng isang pribadong kumpanya ang aking pag-aaral dito. Buti pa ang mga negosyante, kayang magbigay ng kanilang pera para sa amin na mahihirap.

Hindi tulad ng hari at reyna kasama ang kanilang pamilya. Puro pabango lang ang alam nila sa buhay. Ang mamuhay ng marangya gamit ang pera na mula sa taong bayan.

Natapos ang klase ko na puro lecture at bigay ng assignments. Napabuntong hininga ako bago ibalik ang lahat ng gamit ko sa bag ko.

Paglabas ko ng chemistry lab ay nakuha ko na ang atensyon ng mga estudyanteng nakatambay sa labas. Sino ba ang hindi makakapansin sa akin at sa aking kasuotan?

Kupas ang kulay ng aking uniporme at may mga tagpi naman ang aking palda. May butas naman ang aking suot na medyas at namumuti ang aking itim na sapatos. Kapansin-pansin din ang aking gamit na ecobag na nagsisilbing lalagyanan ko ng aking mga gamit pang-eskwela. Ngunit ang talagang nakakakuha ng pansin ng mga kapwa ko estudyante ay ang aking kayumangging balat at mauugat na kamay.

"Tumabi kayo! Dadaan na si Gwenduleng!"

"Ew! Naaamoy niyo ba 'yon? It stinks!"

"Malamang dumadaan si Gwenduleng who lives in a dumpsite!"

"Ew! Dumpsite? Sa bagay, trash naman kasi siya!"

"Bagay sa kaniya!"

Kakaiba ako sa paningin nila. Mga mayayaman sila na kayang bumili ng maraming uniporme pampasok. Mga anak ng mga kilalang pamilya na kayang bumili ng mga mamahaling mga gamit na imported pa galing abroad. Mga batang may gintong kutsarang nakasubo sa bibig na alagang-alaga ang kanilang balat at hindi nababahiran ng dumi ang mga kamay. Silang matataas ang tingin sa sarili dahil sa katayuan nila sa buhay.

Hindi ko pinansin ang kanilang mga pagbubulungan at nandidiring pagtingin sa akin bagkus ay dumiretso na lamang ako sa silid-aklatan. Dito ay umupo ako sa pinakasulok na bahagi ng silid at inilabas muli ang aking mga gamit pang-eskwela.

Tahimik kong ginagawa ang aking mga takdang aralin nang marinig kong tinawag ang aking pangalan ng nag-iisang pamilyar na boses sa aking pandinig.

"Gwen!"

Si Aiden.

Natawa ako ng mahina nang sawayin siya ng librarian dahil sa kaniyang pagsigaw. Humingi siya ng paumanhin dahil sa kaniyang pagsigaw bago naglakad papunta sa aking kinaroroonan.

Nakapaskil kaagad ang isang ngiti sa kaniyang labi kung kaya't nahawa ako. Sa lahat ng estudyante sa paaralan na ito ay tanging siya lamang ang naglalakas loob na kumausap sa akin. Tinuturing niya ako bilang isang taong espesyal sa kaniya at ganundin naman ako.

Humanity: The Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon