Gwen
"Di ba Coke ang inorder ko? Bakit sprite ang binigay mo?!" sigaw sa akin ng customer.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakayuko. Malamang hindi ko na napansin na mali ang nailagay ko dahil sa dami ng iniisip ko. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang ginawa ni Diane kanina. Wala rin si Aiden dahil hindi siya pumasok. Nag-aalala rin ako dahil sa kaniya.
"Ano?! Bakit sprite ang binigay mo?!" Nanggagalaiting sigaw sa akin ng customer.
"P-pasensya na po. P-papalitan—"
Nakita ko ang anino ng customer na itinataas ang bote ng sprite na hawak niya. Pumikit na lang ako kasabay ng pag-agos ng softdrinks mula sa aking ulo. Hindi pa nakuntento ang customer at binasag ang bote sa aking harapan.
Tumama ang ilang mga bubog mula sa bote sa aking binti kung kayat napaupo ako sa sahig at ininda ito.
"Maayos kaming nagbabayad dito tapos ganitong serbisyo ang ibibigay ninyo sa akin?!" pag-angal pa ng customer.
"Pasensya na po talaga. Hindi na po mauulit."
"Anong pasensya ka diyan?! Simple lang naman ang order ko pero hindi mo maibigay sa akin ng tama?!"
Kasalanan ko talaga to. Dapat naka-focus ako sa trabaho at hindi sa kung ano-anong bagay. Nanganganib na tuloy ang trabaho ko dahil sa kagagawan ko.
"What's happening here?!" sigaw naman ng manager namin na kakarating lang. "Gwendolyn! Ano na naman bang katangahan ang ginawa mo?!"
"Ikaw ba ang manager ng bistro na 'to?!"
Tiningnan ako ng manager namin nang masama bago nakangiting humarap sa nagrereklamo na customer.
"Opo, Madame. Ako po ang manager at may-ari ng Rogue's Bistro."
"Ok. Now..." lumapit siya sa manager namin at dinuro duro ito sa dibdib. "Siguro naman kilala mo ako? Ako lang naman ang 3rd cousin ni Governor Peralta! Ang governor ng probinsya na ito! At isa ako sa mga valued customers niyo!"
Palihim na tumingin sa akin ang manager namin. Isang tingin na puno ng pagbabanta.
"A-ah yes, How could I forget you... M-Madame... M-madame—"
"It's Karen!" bulyaw sa kaniya ng customer.
"Oh yes, Madame Karen. I truly apologize for the inconvenience that my server have done to you..."
Lumapit ang manager sa cashier at kumuha doon ng isang voucher. Inayos niya ito bago ibigay sa customer namin na nagngangalang Karen.
"H-here, Madame Karen. This voucher is good for 1 month. You can eat here for free whenever you like for a month. Again, sorry for the incovenience that my server have done."
Tiningnan ko ang voucher na hawak na ngayon ni Madame Karen na malawak ang ngiti. Ang voucher na 'yon ay ibinibigay ng bistro namin sa mga loyal customers nila at employees.
Nakakalungkot na isipin na dahil sa katangahan ko ay hindi ko na ito makukuha pa. Makukuha kasi ito ng mga itinatanghal na employee of the month. Plano ko sanang ibigay ito kay Mama para libre silang makakain dito ngunit malabo na 'yong mangyari. Malabo na rin na maitanghal ako bilang employee of the month.
"Good. This bistro isn't as bad as I think." Nakangiting wika ni Madame Karen at inilagay sa kaniyang purse ang voucher. "A little piece of advice, you should get rid of this kind of servers or else, my Governor cousin will do anything just to close your business."
Matapos niya iyon na sabihin ay umalis na siya kasama ang kaniyang asawa na hindi man lang nagsalita. Dumaan ito sa aking harapan at intensyunal na tinapakan ang aking kamay. Agad ko itong inilayo at winagayway sa ere.
BINABASA MO ANG
Humanity: The Last Hope
ActionIn the midst of this corrupted world of humanity, there were different types of people. Apat na tao, magkakaiba ng personalidad, magkakaiba ng paniniwala at layunin ang pinagbuklod ng tadhana matapos umusbong ang isang hindi inaasahang zombie apoca...