Matapos ang kahiya-hiya kong eksena sa bahay ng demonyong si Rafael Villareal ay kaagad nila akong ipinadampot sa mga guwardiya at pinaalis sa subdivision na 'yon.
Sinabihan nila ako na huwag nang babalik kundi ay makukulong ako. Tinawanan ko lang sila. Hindi na ako kailanman babalik pa doon.
Kasalukuyan akong nakaupo sa sirang waiting shed sa tabi ng kalsada. Bumuhos din ang malakas na pag-ulan ngunit tila ba naging manhid ako at hindi na makaramdam.
Iniisip ko kasi kung saan na ako pupunta ngayon. Hindi pa ako pwedeng bumalik sa ospital hangga't hindi pa ako nakakahanap ng pera na pampaopera kay Mama.
Hindi naman ako maaari nang pumunta sa Sweepstakes Office ngayon dahil gabi na. Sarado na ang mga opisina ng ganitong oras?
Paano kaya kung humingi ako ng tulong kay Aiden?
Bigla akong nabuhayan ng loob nang maisip ko si Aiden. Mayaman sila at maraming koneksyon. Maaari kong hingin ang tulong niya upang makahanap ako ng isang charity organization na maaring makatulong sa amin.
Kaagad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Aiden ngunit kaagad naman akong nalungkot dahil sa sagot ng kabilang linya.
[Sorry, you don't have enough load in your account to make this call. Mag-reload at mag-]
Hindi ko na hinintay pa na matapos ang sinasabi ng nasa kabilang linya at inilagay ang aking cellphone sa bag.
Puntahan ko na lang kaya siya?
Inilabas ko ang aking wallet at mas lalong nalungkot nang makita ang laman nito.
Limang piso.
Napaiyak na lang ako dahil dito. Ni hindi man lang ito sapat para maging pamasahe ko sa jeep. Malayo pa mandin ang bahay niya maging ang ospital.
Itinunghay ko na lang ang aking mukha at hinayaan na maghalo ang tubig-ulan at luha mula rito.
Bakit napaka-unfair ng buhay? Bakit kung sino pa ang may pangarap na mapabuti ang mundo ang siyang naghihirap? Bakit ang mga masasamang tao pa ang nasa itaas at naglulustay ng kanilang mga kayamanan?
Ganito na lamang ba palagi? Ang mga mahihirap ang laging kawawa? Ang mga mahihirap na palaging pinapangakuan ng mga politiko na pagkatapos maluklok sa puwesto ay nagkalimutan na?
Napakahirap. Ang hirap maging mahirap.
"Excuse me."
Pinunas ko ang aking mukha nang may tumawag sa akin. Isang kotse ang nakaparada sa aking harapan lulan ang isang lalaki na nakasuot ng magarang kasuotan.
"Nanay mo ba talaga si Rheya Velasquez?"
Muli akong nabuhayan ng loob sa kaniyang tinanong sa akin. Kaagad akong lumapit sa bintana ng kaniyang sasakyan at ngumiti sa kaniya.
"O-opo! Nanay ko po siya! Anak niya po ako!" maligaya kong tugon sa kaniya.
Sana ay matulungan niya kami. Sana ay matulungan niya si Mama. Sana.
"Halika, pumasok ka sa loob," wika niya at inabot ang pintuan sa kaniyang likuran. Kaagad ko naman itong binuksan at pumasok sa loob.
"Isa ako sa mga guest ni Marshal Villareal kanina. At first, I thought you were lying but I can see your resemblance with Rheya."
Tama siya. Kamukha ko talaga si Mama. Ilong, labi, kutis, pisngi... Lahat iyan ay namana ko kay mama maliban sa mata na namana ko sa isang demonyo kong tatay.
"Here..." Kinuha niya ang coat niya na nasa tabing upuan niya at inabot sa akin. "Cover yourself. I turn the heater on also. You're freezing."
Hindi ko na 'yon napansin dahil sa malalim kong iniisip. Sana matulungan niya kami. Sana matulungan niya ang nanay ko.
BINABASA MO ANG
Humanity: The Last Hope
ActionIn the midst of this corrupted world of humanity, there were different types of people. Apat na tao, magkakaiba ng personalidad, magkakaiba ng paniniwala at layunin ang pinagbuklod ng tadhana matapos umusbong ang isang hindi inaasahang zombie apoca...