Chapter 1.6: Bully

14 2 0
                                    

Gwen

"Ano?! Where's Diana na ba?!"

"I think kinakausap pa niya ang Rich Girl na binangga nitong Duleng na 'to."

"P-please lang... Sheela, Jasmin... M-maawa kayo..."

Tiningnan lamang nila ako na para bang diring-diri sila bilang ganti sa pagmamakaawa ko. Sabunot ni Sheela ang buhok ko habang hawak naman ni Jasmin ang leeg ko. Ni hindi ko magawang gumalaw dahil kapag ginawa ko ay nasasaktan ako.

Inaamin ko naman na kasalanan ko ang nangyari kanina. Hindi ko sinasadya na mabangga 'yong mayamang babae kanina. Humingi na ako ng tawad. Kung gusto nila ay lumuhod ako sa harapan ng school at mag-sorry ay gagawin ko. Huwag lamang akong ma-expel dito sa eskwelahan na ito.

Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Diane. Nakakatakot ang ngiti nito sa akin. Ang ngiti na may masama itong balak sa akin. Nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa kaniyang tingin sa akin. Natatakot ako sa kanilang gagawin.

"Buti naman at you're here na," sabi ni Jasmin.

"What took you so long ba?" tanong naman ni Sheela sa kaniya.

Lumapit si Diane sa akin at pagkatapos ay marahas na hinawakan ang aking panga. Pinipigilan kong humiyaw sa sakit dulot ng pagbaon ng mahahaba niyang kuko sa aking balat.

"Let's just say na mula sa isang very rich family ang binangga ng Gwenduleng na 'to kanina," sabi ni Diane sa akin.

"O to the M to the G, Diane! She's not just rich but VERY RICH! Tell us, Diane? Are you friends with her na?! What's her name?!" tuwang tuwa namang tanong ni Sheela.

"We should follow her on insta! And invite her to go shopping with us!" excited naman na sabi ni Jasmin.

Ang nakangiting ekspresyon sa mukha ni Diane ay napalitan ng pagkamuhi. Mas lalo niyang diniinan ang pagkakahawak niya sa aking panga. Damang-dama ko ang hapdi na lumulukob sa aking balat dahil sa bumabaon nitong kuko.

"Oh about that, her name's Princess."

"Princess?! Kyahh! It suits her! Mukha talaga siyang princess from a land far far away!" - Sheela

"So tell us, is she going to enroll here? Are you friends with her na?"

Binitawan ni Diane ang panga ko kung kaya't nakahinga ako ng maluwag. Pumunta ito sa may pintuan ng c.r at inilock ito.

"Well the truth is, kaya pumunta rito si Princess ay dahil dito niya natitipuhan na mag-transfer. She's from England but her family will be staying here now for a while because of you know, business."

Matapos i-lock ni Diane ang pintuan ay lumapit na ulit ito sa akin. Tumayo ito sa harapan ko at muli na namang namuo ang galit sa mga mata niya.

"But thanks to this Girl-from-the-dumpsite's warm welcome to our friend Princess, she'll never gonna enroll here now!" Marahas akong sinabunutan ni Diane. "She's now heading to the Principal's office now. And the reason why she's heading there?! To tell how WELCOMING this school is!"

Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit ang nararamdaman ng aking ulo. Hindi pa rin nawawala ang sakit mula sa pagbaon ng mga kuko niya sa balat sa panga ko at ngayon naman ay tagos sa anit niya akong sinasabunutan.

"You gold digger! Hindi lang si Aiden ang inagaw mo kundi ang potential friend namin!"

Sinuntok niya ako sa tiyan. Otomatikong nanlambot ang mga binti ko dahil sa kaniyang ginawa. Gusto kong maupo ngunit hindi ko magawa dahil sa kaniyang oagpapanatili sa akin na nakatayo sa pamamagitan ng pananabunot sa akin. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang.

Humanity: The Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon