Chapter 1.5: Nillius Fillius

22 2 2
                                    

Gwen

"I guess, this is the part where we part ways," ani Aiden at ibinaba ang bintana ng kotse niya.

Bumungad sa harapan namin ang gate ng bahay namin. Bumaba si Aiden at pinagbuksan ako ng pinto.

"I'll see you again tomorrow, Gwen," sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

"A-Aiden..." dahil sa tuwa ko ay niyakap ko siya. "Thank you..."

Hindi ko alam kung anong ginawa ko para makilala ang isang tulad niya. Wala ni isang araw na hindi niya pinaranas na ispesyal ako sa kaniya. Katulad na lang ngayon.

Matapos niya akong ibili ng mga bestida ay ibinili niya ako ng bagong bag at sapatos. Hindi lang 'yon dahil bumili pa siya ng mga bago kong uniporme sa aming paaralan.

"T-thank you sa lahat, A-Aiden," pagpapasalamat ko.

"Wala 'yon, Gwen," sabi ni Aiden at iniharap ako sa kaniya. "All of this, you deserve this. You deserve to be happy, Gwen. Because you are humble, kind and beautiful."

"Hinding-hindi kita susukuan, Gwen. I love you so much."

I love you too.

Niyakap ako ulit ni Aiden at pagkatapos ay tinulungan akong maibaba ang lahat ng mga pinamili namin. "Sigurado kang kaya mo 'tong dalhin lahat sa loob?"

"Oo naman, ako pa?"

Marami nga ang mga dala namin at hindi ko to kayang dalhin lahat sa loob. Pero mas maganda nang hindi siya makita ni Mama. Baka kung ano pang sabihin nila kay Aiden. Papabayaan ko nang ako lang ang mapagalitan.

"You better wear the new uniforms I bought you or else..." kunwari'y seryoso niyang pagbabanta pero kalaunay natawa siya. "Just kidding. Please wear them. It fits you well."

Madalas kasi na itinatapon ni Mama ang mga unipormeng binibili ni Aiden para sa akin kaya hindi ko iyon napapakinabangan. Kung may maitago man ako ay sinasadyang sirain o dumihan nila ng kapatid ko. Ganoon na lang siguro talaga ang galit nila sa akin kaya nila iyon ginagawa.

"I'll be going now. Goodbye, sweetheart," pamamaalam ni Aiden na may kasamang flying kiss. Kinindatan pa niya ako bago tuluyang pumasok sa kaniyang kotse at paandarin ito.

Mali ang staff kanina sa mga sinabi niya. Hindi kayang gawin ni Aiden ang mga bagay na 'yon sa akin. Ilang taon na kaming magkakilala kaya kilala ko na siya. Mabait siya at gentleman. Gagawin niya ang lahat para mapasaya lang ako.

Umiling ako dahil sa mga naisip ko. Masyado lang akong nag-overthinking. Judgmental lang ang staff kanina sa mall. Hindi niya kami kilala.

Binuksan ko na ang pinto at ipinasok ang mga gamit ko. Hindi nagtagal ay lumabas mula sa loob ng bahay namin si Mama kasama ang half-brother ko na si Spencer.

Napunta agad ang paningin nila sa mga dala ko. "Galing 'yan kay Aiden 'no?" tanong ni Mama sa akin.

"Gold digger ka talaga," sabi naman ni Spencer.

Kilala nila si Aiden dahil ilang beses nang nakapunta si Aiden dito at nakausap sila. Nakakalungkot lang na isipin na sobrang bait nila sa akin kapag nasa paligid si Aiden pero kung wala ay ganun na lamang nila ako saktan.

Kinuha ni Mama ang mga bestidang binili sa akin ni Aiden at isinukat ang mga ito. "Akin na 'to lahat. Hindi ka naman nagsusuot nito eh," sabi ni Mama sabay pasok ng mga bestidang binili sa akin ni Aiden.

Hinalungkat naman ni Spencer ang mga school supplies sa loob ng bago kong bag. Walang pag-aalinlangan niyang kinuha ang lahat, oo, lahat ng school supplies na binili sa akin ni Aiden maliban sa bago kong bag na pambabae. Inismiran lang niya ako sabay pasok sa loob.

Humanity: The Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon