"Manong sa tabi lang po."
Kaagad akong bumaba ng sinasakyan kong jeep nang makarating ako sa harapan ng gate ng exclusive sudvision kung saan siya nakatira.
Pinagmasdan ko ang paligid nito at nakita ang madilim na makipot na daanan papasok sa subdivision. Hindi kasi ako pwedeng pumasok na lang sa loob dahil haharangin ako ng guard. Ban na kasi kami dito mahigit isang dekada na rin ang nakakalipas.
Tahimik at maingat akong naglakad papunta sa madilim na daanan papasok ng subdivision. Matagumpay naman ako at nagpatuloy sa aking paglalakad.
Kahit isang dekada na ang nakakalipas simula nang makapunta ako sa loob ng subdivision na ito ay saulo ko pa rin kung saan ang bahay niya. Hindi ko na ata makakalimutan kung saan nakatayo ang bahay niya kahit pa ilang taon pa ang lumipas lalo na at tumatak sa aking isipan ang pangyayaring iyon.
FLASHBACK...
"M-mama! S-saan p-po tayo p-pupunta? B-bakit dala p-po ang damit ko?" tanong ko kay Mama.
"Ibabalik na kita sa magaling mong tatay! Manang-mana ka do'n! Parehas kayong letse sa buhay ko!" sigaw pa ni Mama at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa aking braso.
Hindi naglaon ay nakarating kami sa harapan ng isang napakagandang mansyon. Hindi ko maiwasan na mapanganga at mamangha. Ang tatay ko... Dito ba talaga nakatira ang tatay ko?
Paulit-ulit na pinindot ni Mama ang doorbell ng napakagandang bahay hanggang sa lumabas ang isang babae na nakasuot ng uniporme.
"Sino po sila?" tanong ng babae kay Mama.
"Nandiyan ba ang amo mo?! Si Rafael?! Tawagin mo ang amo mo! Sabihin mo nandito ang anak niya!" sigaw ni Mama sa babae.
Nawala ang ngiti ng babae at tumingin sa akin. Pinaikot nito ang kaniyang mata at sinimangutan ako. Matapos niyang gawin iyon ay umalis na ito.
Nagtaka naman ako. May nagawa ba akong mali? Bakit mukhang galit sa akin ang babae kanina?
Maya-maya pa ay isang lalaking nakasuot ng uniporme ng sundalo ang lumabas mula sa bahay namin. Maayos ang tindig nito at matangkad.
"Anong ginagawa mo dito?!" tanong ng lalaki kay Mama.
Inihagis ni Mama ang dala niyang bag na may laman na mga damit ko. Nagtatakang tumingin sa kaniya ang lalaki.
"Sa 'yo na 'yang anak mo tutal hindi mo naman ako sinusustentuhan. Ayoko na rin sa batang 'to!" sigaw ni Mama.
Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki sa bag at kay Mama. Nang magtama ang aming paningin ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng tuwa. Ito ba ang tinatawag nila sa mga drama na lukso ng dugo? Tatay ko ba ang nasa aking harapan?
"K-kayo po ang tatay ko?" masayang tanong ko sa lalaki. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya.
"PAPA!"
Sa wakas! Sa wakas ay nakilala ko na rin ang tatay ko! Hindi na ako aasarin ng mga kaklase ko na wala akong tatay. Wala akong kasing saya ngayon dahil mayroon na akong matatawag na tatay. Ang tunay kong tatay.
"Papa! Masaya po akong makilala kayo!" tuwang-tuwa kong sabi sa kaniya. "Matagal ko na po kayong gustong makilala. Hindi po ako makapaniwala na nayayakap ko na po kayo!"
Ansarap pala talaga sa pakiramdam ng mayroon kang matatawag na tatay mo. Si Tito Carlos kasi ay hindi ako itinuturing na anak. Palagi niya akong hinahataw at pinapagalitan. Sobrang saya ko ngayon dahil nakilala ko na rin siya.
BINABASA MO ANG
Humanity: The Last Hope
ActionIn the midst of this corrupted world of humanity, there were different types of people. Apat na tao, magkakaiba ng personalidad, magkakaiba ng paniniwala at layunin ang pinagbuklod ng tadhana matapos umusbong ang isang hindi inaasahang zombie apoca...