"Gwen! Gwen!"
Sakto na kakatapos ko lang na tapusin ang assignment ko sa chemistry nang tawagin ako ni Zig. Hawak niya ang photocopy ng pinapabasa ko sa kaniyang reading comprehension exercise habang siya'y nakangiti.
"Tapos na 'kong magbasa!" aniya sabay abot sa akin ng photocopy ng pinapabasa ko sa kaniya.
"Tanungin mo ako tungkol sa story na binasa ko."
"Sige."
Kinuha ko ang photocopy at hinanda ang sarili ko sa pagtatanong sa kaniya.
"Unang tanong, ano ang nangyari sa carrot matapos ilagay sa pinapakuluang tubig?"
"Naging malambot ito."
"Tama," ngumiti ako bago magpatuloy sa sunod kong tanong.
"Pangalawang tanong, anong nangyari sa itlog matapos ilagay sa pinapakuluang tubig?"
"Naging matigas ito."
"At ang coffee bean?"
"Binago ng coffee bean ang kulay ng tubig, naglabas ng magandang amoy at lasa."
"Anong moral lesson ng story?"
Napahinto siya ng ilang segundo para mag-isip bago sagutin ang huli kong katanungan."Na tayo ang pipili kung paano natin haharapin ang mga pagsubok natin sa buhay," sagot niya.
"Kung tulad ba ng isang carrot, matigas at malakas noong una na kapag inilagay sa kumukulong tubig na sumisimbolo sa problema ay nagiging malambot at mahina? o tulad ng isang itlog na mahina na ngunit nang ilagay sa kumukulong tubig ay naging matigas? o kaya naman ay tulad ng isang coffee bean na binago ang kulay ng kumukulong tubig?"
"Sa tingin mo, alin ka sa tatlo?" dagdag kong tanong.
"H-hindi ko pa alam," nahihiya niyang sagot.
"Ayos lang 'yan," wika ko sa kaniya at tumayo na. "Marami ka pang oras para alamin kung alin ka sa tatlo."
Nagpagpag ako ng damit at inayos ang aking mga gamit. Pagabi na rin at tutulong pa ako sa paglilinis ng kwarto nila Zig.
"I-ikaw, Gwen. Alin ka sa tatlo?" pahabol na tanong sa akin ni Zig.
Nilingon ko siya at nakitang nakaupo pa rin, naghihintay ng kasagutan ko.
"Kung ano sa tingin mo na alin ako sa tatlo."
Sa totoo lang, isa akong carrot. Mukha lang akong matatag pero mabilis akong pabagsakin ng problema. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko na lang sabihin 'yon kay Zig.
"Tara na, mag-iimpake ka pa," sabi ko sa kaniya na ikinahinto ko.
Oo nga pala, ngayong gabi pala sila aalis ng ospital. Matapos akong iwan ni Sir Greg kasama ni Mama para mamuhay sa sarili ko dalawang linggo na ang nakakalipas ay sa kwarto kung saan naka-confine ang tatay ni Zig na ako pansamantalang nanunuluyan.
Sobrang bait nilang mag-ama na payagan akong tumuloy sa kwarto nila rito sa ospital habang nandito sila.
"P-pwede ka namang sumama sa amin, Gwen.''
Ganiyan din ang sinabi sa akin ni Aiden noon nang malaman niyang iniwan ako ni Mama para mamuhay mag-isa. Galit na galit siya sa kanila na umabot pa sa puntong irereklamo niya sila pero buti na lang ay napigilan ko.
Inalok niya ko na tumira sa isa sa kanilang mga bahay bakasyunan pero tumanggi pa rin ako. Hindi niya ako mapapayag kaya ipinasok niya ako bilang office clerk sa isa sa mga kumpaniya nila.
"Sapat na ang pagpayag niyo na tumuloy ako kasama niyo habang nandito kayo sa ospital," sabi ko sa kaniya.
Napakaswerte ko talaga dahil nakakilala ako ng mga taong tulad nila. Kahit nakilala ko lang sila noong nakaraang linggo ay pinagkatiwalaan na nila ako na tumuloy kasama nila habang nandito sila sa ospital.
BINABASA MO ANG
Humanity: The Last Hope
ActionIn the midst of this corrupted world of humanity, there were different types of people. Apat na tao, magkakaiba ng personalidad, magkakaiba ng paniniwala at layunin ang pinagbuklod ng tadhana matapos umusbong ang isang hindi inaasahang zombie apoca...