Chapter 1.3: Doubt

23 5 2
                                    


Gwen

"Here we go!" ani Aiden sabay patigil ng kaniyang sasakyan.

Ibinaba niya ang bintana sa pintuan ko at bumungad sa akin ang pintuan ng mall.

"B-bakit tayo narito, Aiden?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Mali ito. Wala dapat ako rito dahil kailangan kong magtrabaho. Magagalit sa akin ang manager ko kapag na-late ako sa trabaho.

"You don't have to worry about your job for now, Gwen," sabi sa akin ni Aiden at hinawakan ang aking kamay. "My dad's a stockholder in that fastfood company you're working on so I ask your manager a favor."

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa mga mata ni Aiden. Sinsero ang mga mata niyang nakatingin sa akin habang matamis naman na nakangiti ang kaniyang labi.

Talaga bang... ginawa niya ang bagay na 'yon para sa akin?

"We are here because believe it or not, we're going shopping!" Inilagay niya ang daliri niya sa baba ko pagkatapos ay kinurot ako sa pisngi.

"But not for me, though. We're going shopping for you," sabi niya na ikinabigla ko.

"Aiden, h-hindi ko-" bago pa ako tuluyang makapagsalita ay bumaba na siya mula sa sasakyan niya para pagbuksan ako ng pintuan.

"Please let me have this one, Gwen," wika niya sabay lahad ng kaniyang kamay sa aking harapan.

Nag-aalangan kong tiningnan ang kamay niya bago ito tanggapin. Knowing Aiden, hindi siya titigil sa pangungulit sa akin. Pero wala naman siyang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako at gawing espesyal sa mga mata niya.

Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming pumasok sa loob ng mall. Agaw-pansin naman kaming dalawa pagpasok namin ng mall. Sino ba ang hindi mapapalingon sa amin? Mukha akong katulong at si Aiden naman ang aking amo.

Hindi pinansin ni Aiden ang mga matang nakatingin sa akin at gayundin ako. Ewan ko ba pero kapag ako lamang mag-isa ay hindi ko sila pinapansin ngunit kapag si Aiden ang kasama ko ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanila.

"First stop, at the fashion botique," wika sa akin ni Aiden at dinala ako sa loob ng isang shop.

Namangha ako sa aking mga nakita. Puno ang shop ng nanggagandahang mga damit na nakakasiguro akong mas mahal pa kesa sa buwanang sahod ko sa aking pinagtatrabahuhan na fastfood chain.

"Good afternoon, Sir..." magalang at masiglang pagbati ng isang staff ng botique kay Aiden. Lumihis ang tingin niya sa akin at nawala ang kaniyang ngiti. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tumigil ito sa kamay namin ni Aiden na magkahawak.

"Goodmorning, Ma'am," bati niya sa akin habang nakangiti. Isang pekeng ngiti. Alam ko 'yon dahil nakita ko kung paano niya ako tingnan kanina. Marahil ay nagtataka siya kung anong ginagawa ng isang hampaslupa kasama ang isang halos perpektong lalaki sa harapan ng kanilang botique.

"How can I help you?"

"I want to buy all of your beautiful dresses here that suits my sweetheart here."

"Will do, Sir," sabi ng staff sabay tingin sa akin. Ngumiti ito ng peke sa akin na mas lalong nagpa-concious sa aking sarili. "Let's go, Ma'am."

Sinundan ko siya patungo sa dulo ng botique kung saan nakalagay ang higit na magagandang damit at malayo kay Aiden. Kumuha siya ng mga damit sa mga stand na akala mo ay namimitas lang ng prutas.

"Let's see, ito bagay sa 'yo," sabi ng staff sabay tulak ng isang damit sa dibdib ko. Tumango siya at patuloy na ginawa iyon sa mga damit na kinuha niya.

"Anong gayuma naman ang ginamit mo sa kaniya?" tanong sa akin ng staff. Wala na ang ngiti sa labi niya at napalitan na ng pagkasuklam. "Sa histura mo pa lang ay hindi ka na nababagay sa lalaking 'yon."

Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko para mas lalo kong marinig ang ibubulong niya. "Sulitin mo na ang maliligayang araw mo sa pamemera sa isang mayamang lalaki dahil hindi mo alam, ginagamit ka lang nila. May mga magagandang babae sa paligid niya na kasing lebel niya ang kaya niyang ipalit sa 'yo."

Masama akong tiningnan ng staff habang inaayos ang mga damit na pinili niya para sa akin. Sakto namang dumating na si Aiden at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa beywang at nginitian.

"So, how do you like the dresses that she showed you?" tanong niya sa akin.

Tiningnan ko ang babae bago tingnan si Aiden. "N-nagustuhan ko. M-magaganda sila lahat."

Ang totoo niyan ay wala talaga akong taste pagdating sa mga dress. Wala nga akong bestida sa bahay eh. Ngayon lamang ako makakapagsuot ng ganito at hindi rin ako kumportable kung isusuot ko ito. Ayoko na ma-expose ang karamihan sa parte ng katawan ko. Nahihiya ako.

"Just what I thought," sabi niya at inilahad ang credit card niya sa staff. Tumango ang staff at dinala ang lahat ng damit na pinili nito para sa akin papunta sa counter.

"I can't wait to see you wearing one of those dresses, Gwen. I know it will suit you all." Wika sa akin ni Aiden.

Nginitian ko naman siya at nagpasalamat. Ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ng babae kanina.

Paano kung magawa sa akin 'yon ni Aiden? Posible kayang gawin niya 'yon sa akin? Paano kung nagsawa na siya sa akin? Paano kung iwanan na lang niya ako?

Tiningnan ko si Aiden na masayang pinagmamasdan ang mga damit ko na binili niya na ibinabalot ng staff ng botique.

Hindi naman siguro magagawa sa akin ni Aiden 'yon hindi ba? Hindi niya ako sinukuan. Siya lamang ang tanging tao na nakakita ng magandang bagay sa akin. Siya na ang perpektong lalaking hihilingin ng mga babae na makasama nila habang-buhay.

Paano kung humanap siya ng iba dahil hindi ko pa rin siya sinasagot kahit matagal na siyang nanliligaw? Aaminin ko na may nararamdaman ako para sa kaniya ngunit ayoko pang pumasok sa isang relasyon.

Sana ay mali ang iniisip ng staff tungkol kay Aiden. Kilala ko siya. Hindi niya ako kayang ipagpalit. At hindi ko rin makakaya kung magawa niya akong iwan at pagtaksilan.

Humanity: The Last HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon