DAGLI: Lapastangan

24 3 1
                                    

       “'Wag po! Maawa po kayo sa'kin!” Pagmamakaawa niya sa tatlong lalaking nakakapit sa kanya. Ang dalawa'y tig- isang hinawakan ang mga braso't pilit siyang ibinabaon sa pagkakahiga, habang ang isa'y unti- unting ibinaba ang kanyang shorts at panloob.

       “Huwag ka na kasing pumalag. Lalo ka lang masasaktan e. Sa una lang 'to masakit,” sambit ng lalaki matapos siyang magtagumpay sa pag- alis ng saplot.

       “Maawa po kayo sa pagkababae ko. Pauwiin niyo nap o ako,” mangiyak- ngiyak na pagmamakaawa niya.

       “Aba hijo, kailangan mong dumaan sa pagtutuli.”

ANG/GULO: Isang AntolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon