DAGLI: The Frog Prince

23 2 1
                                    

       Nakatapak sa palad ng prinsesa ang isang prinsipe na isinumpang maging palaka upang hagkan. Marahang nagdampi ang mga labi ng isa't isa sa paniniwalang ang halik ng dalisay na pag- ibig ang wawasak sa sumpa.

      Nagliwanag ang prinsesa hanggang nagbago ang kanyang anyo at naging isang langaw. Hindi napigilan ng prinsipeng palaka ang sarili at saka hinatak ng mahabang dila ang prinsesa. Nginuya. Nilunok.

ANG/GULO: Isang AntolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon