Silakbo

220 8 0
                                    

Hindi tinuruan na ang puso'y pumintig
Ngalan mo'y siya ngang maririnig
Sa lakas nga'y siyang bumingi sa isip
Katawa'y nagpapatianod sa damdaming umiihip

Hawak kamay na tatahakin
Ang dulo na kung saan dalawang puso'y pag-iisahin
Mga mata'y sayo lamang nakatuon
Ngalan mo nga'y sa dibdib lalong bumabaon

Hayaan mong pag-ibig ay maging dalisay gaya ng ulap
Nang maabot ang rurok ng alapaap
Sa mga bisig ika'y ikukubli
Aalagaan at iibigin gaya ng sa sarili

Lalayo sa pangil ng ulupong
Sa hangad ng puso'y ako'y susumpong
Ito'y hindi ibinulong sa hangin o sinulat sa tubig
Selyohan natin ng halik itong pag-ibig

ANG/GULO: Isang AntolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon