PAHAPYAW: Taken

29 2 0
                                    

"Pasensya na Rex hindi kita masasamahan tonight. Ngayon na kasi ang flight ko papuntang Singapore eh. Alam mo namang breakthrough ko 'yon," napayuko na lamang ako sa mesa dahil sa sinabi ng best friend ko. I guess, ako na lang talagang mag- isa for the whole night.

"Isang beer pa please!" Request ko sa bartender. Tumango naman siya at inihanda ang hinihingi ko. Habang naghihintay ay tiningnan ko ang paligid. Nagsasayaw lahat. Nagpapakalasing. Enjoying. I thought matatakasan ko 'yong mga isipin sa lugar na ito. Akala ko matatabunan ng malakas na tugtog ang mga problema ko.

Naramdaman ko naman ang pagpatong ng bartender ng beer sa  gilid ko kaya agad ko siyang nilingon. "Ito na po 'yong beer niyo sir."  Nginitian ko siya at pinasalamatan. Agad kong nilaklak ang beer and alam kong medyo may epekto na sa akin ang alcohol. Kahit air-conditioned ang facilities ng bar eh naiinitan na ako.

"Mukang nag-iisa ka ah, "napalingon ako sa likuran ko nang  i- approach ako ng isang 'di kilalang babae. She's pretty. Dumagdag sa dating niya ang suot niyang fitted na red dress. Agad kong binalik ang atensyon ko sa pag-inom at tinalikuran ko ang babae.

"Suplado ah. Mukang problemado ka ah." Dire-diretso siyang naupo sa tabi ko sa harap ng bartender at um-order siya ng alcohol. Hindi ko narinig ang sinabi niya. Basta ang alam ko ladies' drink 'yon.

She's right, problemado nga ako.  May business kaming hinahawakan ng mga kasosyo ko. Then  may  dating classmate akong pinilit mag- invest rin sa negosyo niya. Kasi doble raw ang babalik sa akin. May malaking invest, mas malaking kita. Bukod pa ang incentives kapag nakapagpasok ka ng new member. Kaya yung pera no'ng business namin, in-invest ko sa dati kong classmate.  Kaso no'ng binigyan niya ako ng date para ma- claim ang kinita ko, nalaman ko na lang na nag- ibang bansa na ang gago. Na- scam ako. Ang malupit, hinahabol rin ako ng mga taong ipinasok ko.  Pati kasosyo ko sinampahan ako ng kaso. Wala na akong magulang. Kaya wala na akong malapitan. Pati best friend ko wala ngayon kung kailan kailangan ko ng kausap.

"Hey! Nakikinig ka ba?" Napalingon naman ako sa babaeng naupo sa tabi ko. Mukang kanina pa s'ya salita nang salita pero hindi ko naririnig.

"I'm sorry. Marami lang akong iniisip." Sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang inaral ang itsura niya. She's morena. Bagay na bagay sa kanya ang kulay niya. Tapos medyo kulot at pabagsak ang buhok niya.

"I see. Tinatanong kita kung madalas ka rito," She exclaimed and crossed her arms. Hindi ko sure kung ginagawa ba niya 'yon as expression na naghihintay siya ng sagot ko o iniipit niya lang ang dibdib niya na lalong umawang 'yong bahaging parang punit ng damit sa may dibdib niya. Hindi ko naiwasang mapalunok ng matitigan ko 'yon. And it's getting hotter. Mukhang nalalasing na ako.

"Ugh. N-no. Hindi. Minsan lang." Pasimple kong kinagat ang labi ko dahil sa inis sa pagkabulol ko.

Dahil wala rin naman akong makausap, pinili ko na lang na kwentuhin siya. Aimee raw ang name niya. Magkasing- age pala kami.
Hindi nagtagal humaba ang aming usapan at naging kumportable ako sa kanya. Kentuhan. Inuman. Tawanan. Danced.  Kahit papaano, nawala sa isip ko ang mga problema. Napapansin ko lang na medyo clingy siya. May mga time na humahawak siya sa dibdib ko tapos gagapang papunta sa tiyan ko. Minsan sa hita ko.

Naupo na ulit kami sa may bartender nang mapagod kami kasasayaw sa dance floor at kumunot ang nuo ko ng tanungin niya ako.  "So gusto mo bang mag- enjoy?"

"We're already having fun! What are you taking about?" Ngisi ko sa kanya.

Medyo nanigas ako sa kinauupuan ko ng lumapit pa siya sa akin. She wraps her shoulder around my nape at may ibinulong. "You know. Have fun, sa kama."

Tutugon pa sana ako pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. She kissed me torridly. Lango ako sa alak kaya mas nag-init pa lalo ang nararamdaman ko. Napapikit na lamang ako saka tumugon sa kanyang mapangahas na halik. Naging mas malalim. Mas agresibo. Nalalasahan ko ang alcohol na ininom niya sa kanyang bibig. I admit. She's turning me on.

ANG/GULO: Isang AntolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon